Sa mga Panahon ngayon marami ang nakakaranas nang diskriminasyon lalo na ang mga kabataan gaya ko.Sana wag tayong sumuko at magpatuloy tayo sa pag-aaral para makatulong sa pamilya para maka-ahon sa buhay at makakuha nang magandang trabaho.
Ang diskriminasyon ay isang pagtrato sa isang tao sa hindi patas at pantay na pamamaraan dahil sa mga taglay nitong pisikal o mental na kaanyunan na tila naiiba sa karamihan ng mga tao.
#LABANANANGDISKRIMINASYON
#pagsusumikap
Bilang isang teenager nakaranas na din ako ng diskriminasyon. Sinabihan akong hindi daw ako matalino sa klase kaya nag susumikap ako mag-aral.Hindi tayo dapat manghusga sa ating kapwa dahil bawat isa ay may kanya- kanyang talento.
#LabananAngDiskriminasyon
Ang paghusga sa kapwa ay hindi magandang gawain. Hindi natin masusugpo ang diskriminasyon dahil ito ay naging parte na sa ating pang araw-araw na gawain. Sana ay iwasan natin ang manghusga at labanan natin ito👊
#LabananAngDiskriminasyon
Bilang isang "teenager" nakakaranas din ako ng diskriminasyon kadalasan sa mga tao hinuhusgahan ako kaya nawalalan ako ng tiwala sa sarili.dahil sa Mata ng dios pantay2 tayo
#LabananAngDiskriminasyon
Bilang isang teenager naranasan ko rin ang matukso at masabihan ng masasakit na salita dahil sa aking pisikal na kaanyuan noong araw, payatot kasi ako noon ngunit hindi ito hadlang sapagkat ginawa ko itong inspirasyon.
#LabananAngDiskriminasyon
DISKRIMINASYON
Ang diskriminasyon ay isa sa mga problema ng bansa dahil nagdudulot ito ng masasamang gawain.Bilang isang teenager iiwasan ko ang ganitong gawain dahil nakakaranas na ako ng ganitong sitwasyon kaya #Labanan ang Diskriminasyon
Diskriminasyon ang kinakaharap ng ibata-ibang tao dahil nawawalan sila ng kumpyansa sa sarili. Ang negatibo at hindi makatarungang pagtrato dahil sa pagkakaiba ng kanilang katangian katulad ng relihiyon, kulay, at marami pa.
#LabananAngDiskrminasyon
Ako ay isa sa mga teenager na nakaranas ng diskriminasyon. Araw-araw akong tinuktukso ng iba kong kaklase. Kaya naman hindi ko nalang sila pinapansin para naman wala nang gulo. Kaya payo ko sa ibang mga teenagers ay wag nalang bigyan pansin ito.
#LabananAngDiskriminasyon