Ano ba yan? Wala pa rin akong lakas ng loob i-send. Gawan ko na lang ng paraan mag isa. Di ko naman sasabibin para humingi ng tulong. Gusto ko lang maging honest at yung walang tinatago.
Vaccine day of my kiddos! Sobrang nakakatuwa kasi di man sila umiyak. 😊 ayun nga lang di pa ako nakakajump rope today. Usually before breakfast ako natalon. Anyways, lets see if restday muna or kayanin ko mayang hapon. Dami ko pang dapat gawin.
Anyways, dami ko namang inexpect maibigay sa mommy, kay butch at sa mga bata. Kaya ito, grabe grabeng paasa at stress talaga yung naidulot ng nangyare sa akin.
Besides sa jumps, parang napapangatawanan ko naman yung less rice uli. Sana magtuloy tuloy. Pag ako nabawasan uli ng timbang at taba, malaking tulong to sa pagbawas ng stress ko. Kasi atleast kahit yun man lang nagagawa ko para sa sarili. Check na rin yun sa self-fulfillment ko.
May 2 - 1,100 jumps
Nafeel ko agad yung paggaan katawan ko pero pagod na pagod pa rin.
May 3 - 1,200 jumps
May progress naman, nadagdagan uli ng 100jumps. Grabe yung pawis ko today. Intense!