Dagdag din ng abogado ng mga magsasaka, may hiwalay na mga reklamo at kaso din ang inihahanda para naman sa hepe ng Concepcion Municipal PNP at mga tauhan nito.
Ayon pa sa mga magsasaka, may pagkiling laban sa mga magsasaka at taga-suporta nito si Piskal Montefalco-Ikeshita, at diumano, hindi nito ginagampanan nang tapat ang kanyang tungkulin kaya nararapat laman siyang pabitawin bilang piskal sa mga kasong isinampa sa Tinang 83.
Ipatutupad ngayong araw ang dalawang pisong dagdag pasahe sa jeepney sa buong bansa. Ito ay matapos aprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang panukalang fare increase bilang sagot sa mataas na presyo ng krudo.
Nananatiling may 5 bagong kaso ang mga magsasaka at taga suporta ng Tinang 83. Kabilang dito ang Usurpation of Real Property Rights, Disobedience to Person of Authority, Obstruction of Justice, Human Trafficking, at Child Exploitation.
Ilan pa sa websites na nasa listahan ng NTC ay ang Arkibong Bayan, Save our Schools Network, UMA Pilipinas, AMIHAN, PAMALAKAYA, Rural Missionaries of the Philippines at Bagong Alyansang Makabayan.
Inalmahan ng iba't ibang grupo at personalidad ang kautusan ng National Telecommunications Commission o NTC na i-block ang higit kumulang 30 website kabilang ang ilang media organizations gaya ng Bulatlat at Pinoy Weekly.
Ayon naman kay Bayan Muna Chairperson Neri Colmenares, "Kung may dapat harangan ang National Telecommunications Commission, at pati na rin ang Anti-Terror Council, simulan dapat nila sa mga nagpapakalat ng fake news. Iyon ang mga mas mapanganib sa ating lipunan ngayon."