Today, a lot of young people voted for the first time.
Me too.
First time ko ulit bumoto nang malaya, after almost 7 years sa detention dahil sa mga gawa-gawang kaso na isinampa ng nakaraang administrasyon.
Yung unang dalawang picture, 'yan yung huling beses akong bumoto noong 2022. May mga pulis pa akong kasama nun. Nakabantay sila habang bumoboto ako. Hindi ko talaga makakalimutan 'yung pakiramdam na parang pati karapatang 'yon, may limitasyon.
Ngayong araw, nakaboto ulit ako. Wala nang mga pulis na sumusunod. Yung mga staff ko nalang na nakasama ko sa kampanya nitong mga nakaraang buwan.
Naghintay ako sa pila, kasama ng mga nasa priority lane—mga senior citizens, PWDs, at buntis. May konting kamustahan, pero mas nangibabaw ang sabik na makaboto muli. Bumoto ako hindi lang para sa sarili ko. Bumoto ako para sa bayan. Para sa hustisya at reporma.
Pagkatapos, nag-lunch out lang naman kami. Simple lang, pero espesyal. Kasi ngayon, hawak ko na ulit ang oras ko. At higit sa lahat—malaya akong nakaboto kanina. ☺️🙌
“I have been a labor leader for 10 years, isn’t that leadership that I can bring into the Senate?…. Kung galing ka sa dynasties, anong napro-produce na lider dyan? Mga incompetent, gumagamit ng budots, walang diskurso, walang katalinuhan.”
Shots fired, Atty Luke Espiritu.