ISULONG ANG ANTI-POLITICAL DYNASTY ACT ✊🗳️
Panahon na para tuparin ang diwa ng ating Konstitusyon—pantay na laban sa halalan para sa lahat ng karapat-dapat na Pilipino, hindi lang para sa iilang makapangyarihang pamilya.
Sa ilalim ng panukalang Anti-Political Dynasty Act:
👥 Ipinagbabawal ang sabay o sunud-sunod na pagtakbo ng magkamag-anak hanggang second degree sa parehong barangay, lungsod, lalawigan, distrito, o pambansang posisyon.
⛔ Kahit wala sa kanila ang kasalukuyang nakaupo, bawal pa rin ang sabayang kandidatura kung ito’y magreresulta sa political dynasty.
⚖️ Maaaring kanselahin ng COMELEC ang Certificate of Candidacy (COC) motu proprio o sa pamamagitan ng petisyon ng publiko. Maaari ring magsampa ng quo warranto petition ang sinumang botante.
Ang pamumuno ay hindi pamana. Dapat itong pinagbubuhusan ng tiwala, hindi pinapasa-pasa sa iisang angkan.