Bilang isang ordinaryong mamamayan, nakakatakot isipin na baka ito na ang mitsa ng WW3. Sana nagkakamali ako. Hindi makatarungang magdusa ang mga Pilipino para sa pansariling agenda ng mga nasa kapangyarihan. 🇵🇭🕊️ #NoToWar#OilPriceHikePH
Ginagamit na palusot ang pagbuwag daw sa nuclear program ng Iran, pero ang totoo, ang pagkontrol sa pandaigdigang ekonomiya at pagdurog sa mga bansang may kakayahang makipagkumpitensya ang tila tunay na motibo ng makapangyarihan.
Ang pinakamasakit? Tayong mga nasa maliliit na bansa ang pumapasan ng kalbaryo. Ang gulo sa Middle East ay katumbas ng krisis sa langis. Para sa ordinaryong Pilipino, ibig sabihin nito ay mas mahal na pamasahe sa jeep, mas mahal na bigas, at inflation.