Kasya ang 500 pesos na Noche Buena! Kung kaya nyo ung baha na nakasawsaw yung mga katawan nyo sa tubig na may basura, ihi ng daga at kung ano man, shempre kaya nyo mag Noche Buena ng worth 500!
Pag nagvivideoke kayo ng mga officemates nyo wala naman talagang nakikinig. Kung di ikaw yung kumakanta ikaw ay
1. Nagseselpon
2. Nagyoyosi sa labas
3. Pumipili sa songbook
4. Kausap ang waiter
5. Nagseselpon ng nagseselpon
Selpon = Cellphone
Yung Alex Gonzaga birthday video ang nagpapakita kung anong klaseng mga paguugali ng tao ang meron sa social media. Yung kaka “AMEN” lang sa isang bible quote or magrerepost ng chain message tapos kung maka comment ng tama o maling pag uugali kala mo mga tropa ni Santo Papa e.