Tandaan mo lang, ang maapprove ka for monetization is just the beginning.
So kailangan mo ng audience na pangmatagalan, hindi lang pangmonetize.
Dahil kahit na monetize ka pero walang nanonood o bibili ng io-offer mo, hindi ka pa rin kikita.
Para sa mga #contentcreators sa Facebook o Instagram na gustong magmonetize at nagtatanong kung okay lang yung follow to follow.
Wala namang masama sa follow to follow pero....
Pwede silang makatulong sa page mo para maabot mo ang requirements for monetization.
Pero pagkatapos mong maabot ang monetization, nandyan pa ba sila? Manonood pa rin ba sila ng mga videos mo?