'THE PHILIPPINES MUST REJOIN THE ICC'
Naghain ng resolusyon sa Kamara si Mamamayang Liberal Rep. Leila de Lima para hikayatin ang gobyerno na muling sumapi sa Rome Statute ng International Criminal Court (ICC).
Sa ilalim ng House Resolution No. 1056, nanawagan ang kongresista kina Pres. Bongbong Marcos at sa Department of Foreign Affairs (DFA) na simulan ang proseso para makabalik ang Pilipinas bilang miyembro ng ICC.
Layon ni de Lima na mas mapalakas ang commitment ng bansa sa paglaban sa impunity at atrocity crimes, at maitaguyod ang human dignity at rule of law.