Sobrang sama ng loob ko sayo. Galit ako sa sarili ko kung bakit nagitwala ako sayo. Ginagawa ko ang part ko pero kung utusan mo yung bata eh parang di nako ririspetuhin
Simula umpisa pinaglalaban kita. Mula noon hanggang ngayon kinakampihan kita. Pero pagdating saakin? Sobrang sakit na. Ngayon ko masasabi na ngayon palang ginaganyan mo ko pano pa kaya pag tumagal pako dito
Naalala ko nung mga uang buwan ko dito na panay ang ubo ko. Tapos sumasama ang pakiramdam ko nastress ka rin saakin. Grabe ubo ko nun linggo na araw pero mas pinili kong umuwi s ino. Umiiyak ako nun kasi di ko inexpect na gagawin mo yun.
Dati tanda ko pa sabi mo sakin gawin mo kong prinsesa mo. Di naman ako umasa nun mahal kasi gusto ko ako ang magsisilbi sayo. Pero alam mo ba kung bakit gusto ko ako ang magsisilbi palagi sayo? Kasi gusto ko maganda mood mo sakin. Gusto ko nakangiti ka sakin.
Lagi kong minamadali yung araw na mag gabi na. Nagbabakasali ako na makakausap kita ng maayos na kahit saglit na gising ako ramdam kong akin ka. Pero andun na yung pagod mo kaya wala rin.
Akala ko mahal kilala mo ko. Magkachat at vc palang tayo ganito nako diba? Bat kung saan na nagsasama na tayo saka moko di maintindihan? Ang hirap mahal na hindi ka sanay sa mga tao sa paligid mo. Na wala kang kakampi at kakilala na buong buo.
Di ko na painapakita sayo na mahina ako love. Ayuko naring ipaalam at ipakita sayo na umiiyak ako. Darating ang araw mahal na maintindihan mo rin ako. Darating ang araw na matatag nako. Pero sa araw na yun asahan mong mahal na mahal prin kita.
Bakit di nako masaya love? Kasi pakiramdam ko nag iisa nalang ako. Andyan ka nga pero hindi ko ramdam na kakampi kita. Alam mo ba sa araw2 na sinasabi mo saakin na naiinis kana sa akin sa ugali ko. Alam mo bang sumisikip ang dibdib ko?
Love alam mo bang pagod nako? Love ramdam mo bang di nako okay? Love kailangan ko po ng kakampi. Mahal gusto ko ng kausap. Wala ng nangangamusta saakin. Nakikita moko sa araw2 na nakangiti. Dahil yun sayo love.
May mga araw na nasasaktan moko pero mas pinipili ko ang ngumiti at patuloy kang minamahal. Di ako nagsasawa sa araw2 na kulitin ka kahit naiinis kana sakin. Kasi di ko alam kung hanggang saan mga pangyayaring yun
Maraming maraming salamat sa lahat ng pagmamahal na pinaparamdam mo sakin mula pa dati. Sa lahat ng mga ibingay mo naappreciate ko yun. Pero mapapagod din pala ako. Lalo na sa mga araw na wala akong ginagawa pero napaparamdam mo sakin na parang wala lang ako.
Sumugal ako ksi mahal kita. Alam ko na sa sarili ko na wala akong kasiguraduhan dito pero pinili ko to. Nakikita ko narin kung hanggat saan nalang ako.