para sa mga naghahanap ng spoilers or sumth tungkol sa UP Pep Squad for #UAAPCDC2026, here are some of my thoughts carlos!
1. Compared sa 2025 routine, I feel na mas madaming cheer elements na naincorporate this year, and it looks more difficult. Sana maexecute ng maayos sa Sat.
May friend kami na namatay noong 2024, si Brix.
Hindi na siya nakatira sa lugar namin, umuwi siya sa province nila pero malapit lang sa Metro Manila since walang mag-aalaga sa lola niya, nag for-good siya dun kaya wala na kaming balita sa kanya. Chat lang minsan, kumustahan. Pero never pa siyang nakasama sa outing ng grupo simula umuwi siya sa Lola niya.
Until nagpost yung tita niya sa fb, non-verbatim:
"Sa mga kaibigan, kakilala at kababata ni Brix. Wala na po siya..."
Naka-indicate yung address and details. Naglamay kami twice. Nanghingi kami ng abuloy sa mga kalugar namin. Nakipaglibing kami. Nagluksa yung buong grupo.
Pero hanggang ngayon, nasa GC pa rin siya. At somehow… active pa rin. Noong una, napansin lang namin na nagse-seen siya sa GC. Akala namin bug.
Tapos one day, nag-view siya ng story ko. Screenshot agad. Sinend ko sa GC.
“TANGINA NITO NI BRiX 😭 EME LANG YATANG NAMATAY ‘TO.”
Tawanan kami. Simula noon, naging running joke na namin.
Every time may mag-post at makita naming "Brix viewed your story", may magse-send ng screenshot sa GC.
“UMAMIN KA NA”
“BUHAY KA PA TALAGA EH”
“BRIX, MAGPARAMDAM KA NAMAN”
“PUMUNTA KA NA DITO, SHOT TAYO”
Minsan pati kapag nag-seen siya sa GC:
“AYAN NA NAMAN SI BRIX GHOST NA NGA, NANG-GHOST PA”
Tawa lang kami. Kasi honestly, creepy talaga since alam namin na wala na siya. Pero dahil alam naming imposible, naging biro na lang.
Until one night. Mga 2:30 AM. May nag-send ulit ng screenshot.
Brix viewed her story.
“HAHAHAHAHAHAHA”
“UMAMIN KA NA, BRIX”
“Buhay ka pa talaga, gag-”
Then suddenly,
Brix is typing…
Natahimik yung GC.
May isang nag-message
"WAIT”
“HAHAHAHAHAHAHA BAKA NGAYON NA"
“BRIX, ANO SASABIHIN MO?”
Nagtitrip pa yung iba then he typing indicator disappeared. Tapos bumalik. Brix is typing. Then disappeared again. Akala namin wala lang.
Until...
*Brix sent a photo*
Walang caption. Walang ibang message. Photo lang. Binuksan namin.
At doon kami lahat natigil.
Kasi yung picture… GC namin mismo.Yung eksaktong screen ng group chat namin.
At sa picture, makikita lahat ng messages namin tungkol sa kanya. Pati yung mga sinabi namin ilang minuto lang ang nakalipas.
Pero may isang bagay na mas nakakatakot. Sa pinakababa ng screenshot, sa type message na part may nakasulat.
"Akala niyo ba ako yung pinaglamayan niyo?"