Ang Surface Moncada 2 Network ay binubuo ng mga kaanak, kaibigan, tagasuporta at iba pang alyansa mula sa iba't ibang sektor para sa panawagan na agarang pagpapalitaw sa mga organisador ng mga magsasaka at kababaihan sa Gitnang Luson na sina Elgene Mungcal at Maria Elena Pampoza.
Hinihikayat din namin ang mga kaanak, kaibigan, kasama, tagasuporta at iba pa na magsindi ng kandila para sa ating panawagan na ilitaw sina Leleng at Cha. Mainam na kunan ito ng litrato at maaring i-post o i-padala sa aming inbox.
SURFACE MONCADA 2! SURFACE ALL DESAPARECIDOS!
Bukas, isang taon na ang sapilitang pagkawala nina Elgene “Leleng” Mungcal at Maria Elena “Cha” Pampoza na parehong organizer sa hanay ng kababaihan at magsasaka.
Makiisa sa ating Social Media Rally ngayong gabi ng 7PM!
SURFACE MONCADA 2!
Ako si (name) mula (org) at sa isang taon ng sapilitang pagkawala nina Elgene Mungcal at Ma. Elena Pampoza ay nakikiisa sa panawagang ILITAW na sila!
Panagutin natin ang pasismo ng estado at lumaban tayo para sa hustisya!
#SurfaceMoncada2#HandsOffCL
Makibahagi at kilalanin si Maria Elena "Cha" Pampoza kung sino siya bilang organisador ng mga magsasaka at bilang parte ng Moncada 2 ngayong 8pm ng gabi sa Podcast Serye: Sa Pagitan ng Dalamhati at Pag-asa
#SurfaceMoncada2
MONCADA 2 PODCAST SERYE
Halinaʼt palalimin pa ang mga kwento at ugatin ang mga pangyayari kina Cha at Leleng. Muling sumubaybay sa mga susunod na kabanata ng Sa Pagitan ng Dalamhati at Pag-asa.
#SurfaceMoncada2
MAKI-ALAM AT MAKI-ISA SA LABAN, KWENTO AT PAG-ALALA SA PAGITAN NG PAGDADALAMHATI'T PAG-ASA
Abangan ang aming podcast serye na naglalaman ng mga kwento ng dalamhati at pag-asa ng patuloy na paglaban sa inhustisya sa mga desaparacidos na sina Cha at Leleng.
#SurfaceMoncada2
Writ of Amparo para sa Moncada 2, Ipinagkaloob ng Korte Suprema!
May galak sa balitang hatid kahapon, December 7, nang matanggap ng mga kaanak nina Ma. Elena 'Cha' Pampoza at Elgene 'Leleng' Mungcal ang resolusyon ng Korte Suprema na may petsang November 29.
#SurfaceMoncada2
ITIGIL ANG ATAKE SA MGA ORGANISADOR! EO 70 IBASURA!
Ngayong araw, ika-4 ng Disyembre, ang ikaapat na taong anibersaryo magmula nang lagdaan ng dating pangulong Duterte ang Executive Order 70 o mas kilala bilang “Whole of Nation Approach”.
#SurfaceMoncada2#JunkEO70
TINGNAN: Kalahok noong Nobyembre 30 ang Surface Moncada 2 sa paggunita sa araw ni Bonifacio at ng masang anakpawis bitbit ang primaryang panawagang pagtaas ng sahod at pagbaba ng presyo ng mga bilihin.
#SurfaceMoncada2
PRESS RELEASE | November 4, 2022
Surface Moncada 2 Network
Anti Extrajudicial Arrests and Detention Network
Reference: Pia Montalban, 09707636346
Basahin ang buong pahayag: https://t.co/Dofli8XyXZ
#SurfaceMoncada2#StopEJAD#FightBackCL
TINGNAN | Ngayong umaga tumungo sa harap ng Korte Suprema ang mga kaibigan, kapamilya, at kasama ng mga desaparacido na sina Cha Pampoza at Elgene Mungcal, mula sa Gabriela Women's Party at Anakpawis Partylist, upang maghain ng petisyon para sa Writ of Amparo.
#SurfaceMoncada2
PRESS RELEASE | November 2, 2022
Surface Moncada 2 Network
Reference: Azase Galang, 09397613935
#SurfaceMoncada2:
"Ni wala kaming puntod na madalaw!"–anak ng biktima ng EJAD.
Basahin ang buong pahayag: https://t.co/0W8m4Cukt8
Sa gitna man ng lumalalang krisis at panunupil, hindi titigil ang mga organisador kagaya nina Cha at Leleng at ang malawak na hanay ng masang anakpawis sa paglaban para sa kanilang karapatan sa lupa at hustisya!
#IRWD2022#SurfaceMoncada2#Fight4LandFoodJustice
TINGNAN: Isinagawa kahapon, Oktubre 15, ang isang kilos-protesta sa Department of Agriculture sa pangunguna ng mga organisasyon ng kababaihang magbubukid bilang paggunita ng International Rural Women’s Day.
Kaisa rito ang patuloy na panawagan ng Surface Moncada 2 network na ilitaw sina Cha Pampoza at Leleng Mungcal na mga magigiting na kababaihang organisador ng mgsasaka.