0% INTEREST LOAN PARA SA MGA GUSTONG MAG-TAYO NG AGRIBUSINESS! πΎπΈ
Ang Agri-Negosyo Loan Program (ANYO) ay programa ng Department of Agriculture na nagpapahiram ng capital sa mga Small Farmers and Fishers (SFF) at mga registered Micro and Small agri-fishery Enterprises (MSEs).
Maaaring bayaran ang loan na ito hanggang limang taon at mayroong 0% interest rate at one time management fee na di lalagpas sa 3.5%. Wala ring hinihinging collateral ang loan program ngunit ang mga terms ay nakadepende sa projected cash flow ng iyong farm o agribusiness.
Tara na at matuto nang sama-sama ngayong weekend mga Kasaka!
Iniimbitahan kayo ng Tagani Philippines para sa libreng Webinar sa Sabado at sa Linggo, saktong 7:00 PM sa Zoom.
Kapital Access for Young Agripreneurs (KAYA). Ano ito? π€
Ang KAYA ay isang programa ng Department of Agriculture para sa mga kabataan na nais mag-umpisa ng kanilang sariling agribusiness.
Ang programang ito ang ini-launch upang hingkayatin ang kabataan na mag-engage sa agriculture, fisheries, at agribusiness ventures.
Naniniwala ang DA na ang bagong generation ng kabataan ay ang susi upang maabot ang secure na food supply sa bansa.
Golden Rice, isang kayamanan para sa mga Pilipino? πΎ
Ang Pilipinas ang kauna-unahang bansa sa buong mundo na nag-approve sa paggamit ng Golden Rice para sa commercial production.
Ang Golden Rice ay na-isyuhan na rin ng biosafety permit ng mga government regulators at idedeklara na rin na kasing ligtas kainin ng ordinaryong bigas.
Mahalaga ba ang Agrikultura? π€
Ang agriculture industry ay mayroong malaking ambag sa GDP ng bansa. Kilala ang Pilipinas bilang isang agricultural country ngunit maliit na percentage lamang ng kabataan ang nais tumuloy sa industriya.
Ang pagtuon ng pansin sa agrikultura ay hindi lamang makakatulong upang ma-achieve ang food security. Higit sa lahat makatutulong rin ito upang makapag-bigay ng kabuhayan sa mga Pilipino at tulungan ang ekonomiya ng bansa na bumangon mula sa nararanasang COVID-19 pandemic.