๐ผ๐ฃ๐ ๐๐๐ฎ๐๐ฌ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐จ๐ ๐๐ฎ ๐๐ฃ๐ ๐๐๐๐ผ๐๐๐๐ ๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ฃ๐๐ฅ๐๐ฃ๐๐๐ฎ ๐๐ฃ๐ ๐ฉ๐ช๐ฃ๐๐ฎ ๐ฃ๐ ๐ ๐๐ก๐๐ฎ๐๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฅ๐๐ฉ ๐ข๐๐ฉ๐๐ข๐๐จ๐! ๐ปโค๏ธโ๐ฅ
Ang ๐จ๐ฃ๐๐ ๐๐ฒ๐ฏ๐ฟ๐๐ฎ๐ฟ๐ ๐๐ฎ๐ถ๐ฟ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ ay hindi lamang isang taunang kasiyahan kundi mitsa ng paninindigan. Ito ay ang kolektibong pagtindig ng sining, talino, at tapang, na may layuning ibalik sa bayan ang kapangyarihang patuloy na inaangkin ng pasismo, imperyalismo, at lantarang katiwalian.
๐ฅ๐ข๐๐ ๐๐๐ฉ๐๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฌ โ ๏ธ
The first half of ๐๐๐ซ๐ข๐๐ง๐จ ๐. ๐๐จ๐ง๐๐จรฑ๐๐๐จ ๐๐ฏ๐๐ง๐ฎ๐ will be closed for pedestrian safety as this area will serve as an entrance point. Meanwhile, the ๐๐๐ง๐๐ซ๐๐ฅ ๐๐จ๐ฆ๐๐จ ๐๐ฌ๐ฉ๐ข๐ง๐จ ๐ซ๐จ๐๐ ๐ฐ๐ข๐ฅ๐ฅ ๐๐ ๐ฎ๐ง๐๐๐ซ ๐ฌ๐ญ๐ซ๐ข๐๐ญ ๐ฆ๐จ๐ง๐ข๐ญ๐จ๐ซ๐ข๐ง๐ and controlled traffic mechanisms althroughout the UPLB February Fair 2026: Himagsik. We wish for your cooperation and understanding.
#Himagsik2026
#UPLBFebruaryFair2026
#FF2026
๐๐๐๐ฅ๐ง: ๐ ๐๐ ๐ฅ๐๐-๐ง๐๐๐๐๐ก๐ ๐๐๐ฌ๐๐ฅ๐ฆ ๐๐๐๐๐ก ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ ๐๐ฆ๐ง๐จ๐๐ฌ๐๐ก๐ง๐ ๐๐ง ๐๐๐๐ฅ๐จ๐๐ฅ๐ฌ ๐๐๐๐ฅ, ๐ก๐๐ ๐๐ง๐๐๐ก ๐ฆ๐ ๐๐๐๐๐ฆ ๐ก๐ ๐๐๐ ๐ฃ๐จ๐ฆ ๐ก๐ ๐จ๐ฃ๐๐ โ๐จ
Kanina lamang, ika-9 ng Pebrero, ay namataan ang mga nakakalat na red-tagging flyers sa labas ng kampus ng UPLB. Laman nito ang tuwirang pang-re-redtag sa mga miyembro mismo ng konseho ng mga mag-aaral ng UPLB at pagbabansag sa February Fair bilang daan tungong kamatayan. Laman din ng red-tagging flyer ang mga larawan ng 46th UPLB USC at si Jpeg Garcia.
Sa patuloy na pagkabulok ng sistemang pinamumunuan ng mga naghaharing-uri, hinding-hindi magdadalawang-isip ang mga mamamayan na lumaban. Ngunit ang tugon ng estado: threats, harassment, at intimidations sa mga progresibong estudyante at mamamayan.
Ang February Fair ay taunang protest fair na inilulunsad ng mga iskolar ng bayan at ng mga mamamayan para ilantad ang korapsyon at pasismo ng estado at nanghihimok sa buong taumbayan na kumilos para mapabagsak ito. Taon-taong lumalala ang mga krisis sa lipunan dahil sa paglabag sa karapatang pantao, hindi makamasang edukasyon, hindi nakabubuhay na sahod, at pangangamkam ng lupa kaya ito ang patuloy na nag-uudyok sa mga mag-aaral at mamamayan na kumilos at magpakilos.
Ang mga ganitong uri ng akusasyon ay nangangahulugan lamang na takot ang estado sa pwersa at lakas ng nagkakaisang mamamayan laban sa kanilang mapagsamantala. Lantaran nitong ipinakikita kung ano nga ba ang interes ng mga nasa itaas, ang kapangyarihan at kayamanan.
Hindi na bago ang mga ganitong threats na nararanasan ng mga lider-estudyante at mga progresibong mamamayan kaya nananawagan din ang lahat ng mag-aaral na i-materialize na ang Safe Haven Resolution na 4 na taon nang nakabinbin na siya sanang magpoprotekta sa ating karapatan sa pananalita at magpapanatili ng ligtas at payapang pamantasan.
Itigil ang panunupil ng estado! Labanan ang red-tagging at state attacks!
#StopTheAttacks
#safehavenresolutionnow
#Himagsik2026
#UPLBFebruaryFair2026
#FF2026
๐จ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐! ๐จ
Tumungo sa lansangan at makiisa sa pagbubukas ng pinakamalawak na kilos-protesta sa Timog Katagalugan! Hindi sapat na manatili na lamang sa loob ng mga silid-aralan habang ang ating mga batayang karapatan ay tahasang niyuyurak ng estado. Sa gitna ng tumitinding krisis sa ekonomiya at lumalawak na pasismo, ang pananahimik ay pagpanig sa mapang-api. ๐จ๐ป
Ang ๐จ๐ฃ๐๐ ๐๐ฒ๐ฏ๐ฟ๐๐ฎ๐ฟ๐ ๐๐ฎ๐ถ๐ฟ ay bunga ng ๐บ๐ถ๐น๐ถ๐๐ฎ๐ป๐๐ฒ๐ป๐ด ๐๐ฟ๐ฎ๐ฑ๐ถ๐๐๐ผ๐ป na nag-ugat pa sa panahon ng Batas Militar. Mula 1961, ang entabladong ito ay nagsilbing sandata ng sangkaestudyantehan kasama ang mga guro, empleyado, magsasaka, at manggagawa upang labanan ang diktadura at panunupil.
Sa ilalim ng isa na namang rehimeng Marcos na harap-harapan tayong ninanakawan ng kinabukasan at niloloko ang mamamayan, hamon sa bawat ๐๐จ๐ ๐ค๐ก๐๐ง ๐ฃ๐ ๐ฝ๐๐ฎ๐๐ฃ na isabuhay ang diwa ng pakikibaka. Ang ating boses ay dapat umalingawngaw mula sa kampus hanggang sa kalsada! ๐ฅ
๐๐๐ฌ๐ ๐ง๐๐ฅ๐ ๐ก๐ ๐๐ง ๐ ๐๐๐๐๐ฆ๐ ๐ฆ๐ ๐ข๐ฃ๐๐ก๐๐ก๐ ๐ฆ๐๐๐ฉ๐ข!
๐๏ธ February 10, 2026 | 2:30 PM
๐ Olivarez Plaza (Assembly Point)
Bitbit ang ating mga panawagan para sa ๐๐จ๐ฃ๐, ๐ฆ๐๐๐ข๐, ๐ง๐ฅ๐๐๐๐๐ข, ๐๐ง ๐๐๐ฅ๐๐ฃ๐๐ง๐๐กโsama-sama nating sasalubungin ang FebFair bitbit ang nagbabagang ๐๐๐๐๐๐๐๐ ng sambayanan! Walang atrasan sa pagbaklas sa tanikala ng pasismo at sa pagtindig para sa katarungang panlipunan! โ๐ฅ
#UPLBFebruaryFair2026
#FebFair2026
#Himagsik2026
#DefendSouthernTagalog
๐ง๐จ๐ง๐จ๐๐๐ก: Panoorin live sina Ysa Dilla at JL Nabulneg ng UPLB February Fair 2026 Organizing Team sa DZXL Centro Serbisyo upang talakayin ang mga kampanyang bibitbitin ng UPLB February Fair ngayong taon.
#UPLBFebruaryFair2026#FebFair2026#FF2026#Himagsik2026
๐๐๐๐ ๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐! ๐จ
Calling all UPLB Student Creatives! Do you make stickers, crochet, prints, or handicrafts?
Then, be part of ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐, the official Art Market of the UPLB Feb Fair 2026 at the SU Amphitheater!
๐ When: Feb 10-14, 2026
๐ Where: SU Amphitheater
Why join?
โ P500 REG FEE ONLY
โ Open to all UPLB Students
โ Earn from your passion during Arts Month!
๐๐๐ ๐๐ง๐๐ ๐ฆ๐๐ข๐ง๐ฆ ๐ข๐ก๐๐ฌ (๐ญ๐ฎ ๐ฆ๐น๐ผ๐๐)
Register now here: https://t.co/Kqy7gdr4tn
Support local. Support Student artists.
Artista ng bayan, ngayon ay lumalaban!
#Himagsik2026
#UPLBFebruaryFair2026
#FF2026
๐๐๐๐๐๐๐๐'๐ ๐๐๐๐๐๐๐, '๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ โโ
Sa himig ng paglaban, sa bawat liriko ng pakikibaka, at sigaw ng mga panawagan, kasama natin sila, gamit ang kanilang mga awitin sa pagpapalakas ng ating panawagan para labanan ang korapsyon at pasismo at ibagsak ang mga naghaharing-uri. Sa paparating na February Fair 2026, makinig at tumindig tungo sa kapayaan, katarungan, at demokraysa. Kahit saan magpunta, mula Olivarez hanggang Freedom Park, paiigtingin natin ang musika ng himagsikan.
Paliyabin ang himagsik sa darating na February Fair 2026 kasama sila! ๐ฅ
๐ ๐๐ฒ๐ฏ๐ฟ๐๐ฎ๐ฟ๐ ๐ญ๐ฌ-๐ญ๐ฐ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ | ๐จ๐ฃ๐๐ ๐๐ฟ๐ฒ๐ฒ๐ฑ๐ผ๐บ ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ธ
#Himagsik2026
#UPLBFebruaryFair2026
#FF2026
๐ Kilalanin ang February Fair 2026 at ang layunin ng kampanyang ito. Basahin ang concept note: https://t.co/y4Oke7q0av
๐๏ธ February 10 - 14, 2026 | UPLB Freedom Park
#Himagsik2026#UPLBFebFair2026#FF2026
[3/3]
๐๐ผ๐-๐ผ๐๐ผ๐ฝ๐๐ ๐ผ๐๐ ๐ฟ๐๐๐ผ๐๐ ๐๐ผ๐๐ผ๐๐ผ๐๐ผ, ๐๐๐ผ๐๐ผ๐๐ผ๐ ๐ผ๐๐ ๐๐๐๐ผ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ผ๐๐๐ผ๐๐ผ๐๐๐ผ๐๐ ๐ฝ๐ผ๐๐ผ๐๐ฅ
Inihahandog ng UPLB FebFair 2026 ang isang linggong pagkakaisa ng taumbayan sa iisang mithiin bitbit ang temang ๐๐๐ ๐๐๐ฆ๐๐: ๐๐๐ผ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ด๐น๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ง๐ถ๐บ๐ผ๐ด ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐ฎ๐น๐๐ด๐ฎ๐ป ๐๐ผ๐ป๐๐ฟ๐ฎ ๐๐ผ๐ฟ๐ฎ๐ฝ๐๐๐ผ๐ป ๐ฎ๐ ๐ฃ๐ฎ๐๐ถ๐๐บ๐ผ ๐๐๐ป๐ด๐ผ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ฟ๐๐ป๐ด๐ฎ๐ป, ๐๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ฎ๐ป, ๐ฎ๐ ๐๐ฒ๐บ๐ผ๐ธ๐ฟ๐ฎ๐๐๐ฎ. Ngayong ๐๐ฒ๐ฏ๐๐ฎ๐ถ๐ฟ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ, hinog na ang galit ng mamamayan sa korapsyon at pananamantala ng mga nasa posisyon.
[1/3]
Halina't alamin natin kung ano ang tunguhin ng February Fair 2026 ngayong taon. Ating bigyang pansin ang kasalukuyang isyu at laban na kinakaharap ng iba't ibang sektor at probinsya sa Timog Katagalugan at ang lalong pagkalugmok ng mga ito sa kahirapan dulot ng korapsyon at katiwalian. ๐ท๐งโ๐พ๐งโ๐ง
[2/3]
๐ผ๐๐ ๐๐ผ๐, ๐ผ๐๐ ๐ฝ๐ผ๐๐ผ๐ ๐๐๐๐๐-๐๐๐๐๐ ๐ผ๐๐ ๐๐ผ๐ฝ๐ผ๐! โค๏ธโ๐ฅโ
Pinanday ng pakikibaka, hinubog ng kasaysayan. Mula sa unang Protest Fair sa gitna ng diktadurang Marcos, nananatiling buhay at nag-aalab ang diwa ng ๐๐๐๐ฝ ๐๐๐๐ง๐ช๐๐ง๐ฎ ๐๐๐๐ง bilang tanggulan ng paglaban, espasyo ng pag-oorganisa, at tinig ng sambayanang patuloy na inaapi.
Sa pagsalubong ng UPLB February Fair 2026 na may temang ๐๐๐๐ผ๐๐๐๐: ๐ฝ๐ช๐ค๐ฃ๐ ๐๐ฌ๐๐ง๐จ๐๐ฃ๐ ๐๐๐๐ก๐๐๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐๐ข๐ค๐ ๐๐๐ฉ๐๐๐๐ก๐ช๐๐๐ฃ ๐๐ค๐ฃ๐ฉ๐ง๐ ๐๐ค๐ง๐๐ฅ๐จ๐ฎ๐ค๐ฃ ๐๐ช๐ฃ๐๐ค ๐จ๐ ๐๐๐ฉ๐๐ง๐ช๐ฃ๐๐๐ฃ, ๐๐๐ฅ๐๐ฎ๐๐ฅ๐๐๐ฃ, ๐๐ฉ ๐ฟ๐๐ข๐ค๐ ๐ง๐๐จ๐ฎ๐, muling tinatawag ang mga Iskolar ng Bayan at mamamayan na manindigan laban sa sistematikong katiwalian, pasismo, at panunupil ng rehimeng USโMarcos-Duterte.
Hindi lamang ito konsyerto at selebrasyon. Ang FebFair ay pampulitikang espasyo, kung saan inilalantad ang ghost projects, budget cuts, red-tagging, kontraktwalisasyon, pangangamkam ng lupa, at pag-atake sa karapatang pantao. Habang patuloy na ninanakaw ang pondo ng bayan, ginagawang kalakal ang edukasyon, at pinananatili ang huwad na โkapayapaanโ sa pamamagitan ng dahas at takot, malinaw ang ating dapat ipanawagan: ๐ ๐๐ฅ๐๐ข๐ฆ ๐ฃ๐๐ง๐๐๐ฆ๐๐๐๐ก, ๐๐จ๐ง๐๐ฅ๐ง๐ ๐ฃ๐๐ง๐๐๐ฆ๐๐๐๐ก!
Kabataan, mamamayan, at kaibiganโmakiisa, mag-organisa, at maghimagsik.๏ฟฝAng laban ng Timog Katagalugan ay laban ng buong sambayanan.
#UPLBFebruaryFair2026
#FebFair2026
#FF2026
#Himagsik2026
๐จ ๐๐ง๐ง๐๐ก๐ง๐๐ข๐ก ๐จ
๐๐๐ฆ๐ง ๐๐๐๐ก๐๐ ๐ ๐ข ๐ก๐. ๐๐ฆ ๐๐ก ๐๐๐ก๐๐๐๐ก๐ ๐๐ฅ๐๐๐๐ฌ ๐ก๐ ๐๐๐ก๐. โณ๐ฅ
Kung mahilig ka sa...
๐ฅ INGAY na may LAMAN
โ GALIT na may DIREKSYON
โค๏ธ PAGOD pero may SAYSAY
โฆthen hello. Ikaw ang hinahanap namin!
February Fair 2026 needs people like youโmay sense of humor, may paninindigan, may energy kahit puyat. Hindi ka namin binobola (konti lang, tbh).
๐ ๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Hindi ka need maging extrovert.
Hindi rin kailangan na estudyante ng UPLB.
Kailangan lang na may pakialam ka sa nangyayari sa paligid mo at ayaw mo sa mga kurakot at mandarambong. PERIODT!
๐ ๐ช๐ณ๐ฐ๐ช๐ฒ ๐ต๐จ. ๐พ๐จ๐ฎ ๐ด๐ถ ๐ต๐จ ๐ท๐จ๐ฎ-๐ฐ๐บ๐ฐ๐ท๐จ๐ต:
https://t.co/xW5zowNagE
https://t.co/xW5zowNagE
https://t.co/xW5zowNagE
Promise! walang quiz, walang recitation, walang terror prof!
๐ฃ I-share mo โto sa 10 katao.
Hindi dahil sa chain messageโkundi dahil mas masaya ang laban kapag sama-sama!
๐ฅ ๐ข๐ณ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ถ๐ฎ๐น ๐ ๐ฒ๐ฑ๐ถ๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐๐ป๐ฒ๐ฟ๐:
UPLB Perspective
Tanglaw
The Staple
WhenInManila (https://t.co/xGz1vcyu8g)
Danggit PH
The Cursor
Explained PH
Cebu Daily News
InqPOP
Pinoy Weekly
Manila Bulletin
#UPLBFebruaryFair2026
#FebFair2026
#FF26
#Himagsik2026
๐ฆ๐ฃ๐๐๐๐๐ ๐ข๐ฅ๐๐๐ก๐ง๐๐ง๐๐ข๐ก ๐๐ข๐ฅ ๐๐ข๐ก๐๐๐ฆ๐ฆ๐๐ข๐ก๐๐๐ฅ๐๐ฆ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ฃ๐จโ๐ผ๐ช
We are inviting all ๐๐จ๐ง๐๐๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง๐๐ข๐ซ๐๐ฌ ๐๐ง๐ ๐ฌ๐ญ๐ฎ๐๐๐ง๐ญ ๐จ๐ซ๐ ๐๐ง๐ข๐ณ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ that may have missed the general session last weekend to attend today's special orientation. This is an opportunity to review guidelines, announcements, and other key details to ensure smooth coordination moving forward for the upcoming February Fair 2026.
๐ ๐ง๐ผ๐ฑ๐ฎ๐ (๐ง๐๐ฒ๐๐ฑ๐ฎ๐), ๐ฎ๐ณ ๐๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐ฟ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ | ๐ฑ:๐ฌ๐ฌ ๐ฃ๐ | ๐ฆ๐จ ๐๐๐ถ๐น๐ฑ๐ถ๐ป๐ด
#UPLBFebruaryFair2026
#FebFair2026
#FF2026
#Himagsik2026
๐ง๐จ๐ง๐จ๐๐๐ก: Panoorin live sina Dylen Solomo at Theo Vergara ng UPLB February Fair 2026 Organizing Team sa Radyo Henyo mamayang 4:00 PM upang talakayin ang mga kampanyang bibitbitin ng UPLB February Fair ngayong taon.
#UPLBFebruaryFair2026#FebFair2026#FF2026#Himagsik2026
๐ฃ๐๐จ๐๐ข๐ฆ ๐ฆ๐๐๐ ๐๐๐๐ฅ๐ง ๐๏ธโฐ๐ท๏ธ
Mula sa pag-alon ng DALUYONG 2024 hanggang sa muling pagsiklab ng PAGBIGWAS 2025โhanda ka na ba para sa #FF2026?
Bitbit ang diwa at panawagan ng pinakamalaking protest fair dito sa Timog Katagalugan, ibinabalik namin ang opisyal na February Fair merch collections. Tampok ang FebFair Daluyong at Pagbigwas themed shirts, tote bags, stickers, at pins. Pero paano nga ba mag-preorder?
๐ฆ๐ง๐๐ฃ ๐ญ
Buksan ang UPLB February Fair Clearance Sale Form at ilagay ang hinihinging detalye (๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ, ๐ฆ-๐ฎ๐ข๐ช๐ญ, ๐ค๐ฆ๐ญ๐ญ๐ฑ๐ฉ๐ฐ๐ฏ๐ฆ ๐ฏ๐ถ๐ฎ๐ฃ๐ฆ๐ณ).
https://t.co/HUm66i7lCM
๐ฆ๐ง๐๐ฃ ๐ฎ
Pumili ng disenyo, kulay, at size ng mga item na gusto mo.
๐ฆ๐ง๐๐ฃ ๐ฏ
I-secure ang iyong merch sa pamamagitan ng buong bayad at pagsumite ng proof of payment at reference number sa form.
Para sa cash payment, piliin lamang ito bilang proof of payment.
๐ฆ๐ง๐๐ฃ ๐ฐ
Maghintay ng order confirmation sa iyong e-mail at sa mga susunod na anunsyo ukol sa pagkuha ng orders.
#UPLBFebruaryFair2026
#FebFair2026
#FF2026
#Himagsik2026
๐ฃ๐๐ก๐๐๐จ๐ง๐๐ก ๐๐ก๐ ๐๐ฆ๐ง๐๐๐ข ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ฆ๐๐๐๐ฅ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ก๐๐๐ข๐๐! ๐๐ฆ๐จ๐๐ข๐ก๐ ๐๐ก๐ ๐ง๐จ๐ก๐๐ฌ ๐ก๐ ๐ฅ๐๐ฃ๐ข๐ฅ๐ ๐ ๐ฆ๐ ๐๐จ๐ฃ๐! โ๐พ
Tatlong puโt siyam (39) na taon na ang nakalipas, nang salubungin ng bala ang halos 10,000 na magsasaka sa Mendiola upang igiit ang reporma sa lupa sa ilalim ng administrasyong Corazon Aquino. Labing tatlo (13) na magsasaka ang nasawi at halos walongpu (80) ang naiwang sugatan.
Muling inaaalala ng sambayanan ang mga dalubhasang pangyayari sa Mendiola Massacre, isang madugong paalala ng tunay na mukha ng estado sa harap ng makatarungang panawagan ng mga magsasaka para sa tunay na reporma sa lupa.
Ang marahas na pamamaslang na ito ay manipestasyon ng tuloy-tuloy at sistematikong karahasan ng estado laban sa sektor ng magsasaka, isang kalupitang nagsimula pa noong diktadurang Marcos Sr. at nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan. Sa panahon ni Duterte, mahigit tatlong daang (300) magsasaka ang pinaslang, at sa ilalim ng kasalukuyang rehimen ng Marcos-Duterte ay nagpapatuloy ang mga ito, kalakip ng pangre-red-tag, at pagsasampa ng mga gawa-gawang kaso laban sa mga magsasaka at iba pang masang-api. Sa halip na tugunan ang ugat ng kahirapan sa kanayunan at wakasan ang pyudal na sistema ng pagmamay-ari ng lupa, dahas ang ginagamit ng estado upang supilin ang makatarungang panawagan. Kaya, patuloy na dinidilig ng dugo ng magsasaka ang lupaing dapat ay kanila.
Sa paggunita ng Mendiola Massacre, buong pwersa nating iginigiit ang pananagutan ng estado sa lahat ng krimeng ito laban sa sambayanan. Hindi kailanman mabubura ang dugong dumanak sa Mendiola, at hindi rin matatahimik ang panawagan para sa hustisiya at tunay na reporma sa lupa.
Kaisa ang naghihimagsik na hanay ng Timog Katagalugan, buong lakas nating ipaglaban ang karapatan ng mga magsasaka at ilantad hanggang mapatalsik ang pasistang US Marcos-Duterte na pumapabor sa mga panginoong may lupa habang inaapi ang nakararami.
#MendiolaMassacre39
#GenuineAgrarianReform
#StopKillingFarmers
#OnThisDay
#UPLBFebruaryFair2026
#FebFair2026
#FF2026
#Himagsik2026