Taong 2020, ang libro ng mga kaganapang tila iginapos tayo at bumuklat sa kalagayang pilit nating tinatakasan. Maraming kuwento ang nakasulat mula sa tinta ng pighati, pag-aalinlangan at pagbabakasakaling maibabalik pa ang kahapon o magbabago rin ang kinabukasan. Subalit, hindi-
Sa araw na ito, sama-sama nating gunitahin ang ika-38 taong anibersaryo ng makasaysayang EDSA People Power Revolution— isang patunay na lagi’t laging may pag-asa basta’t may naninidigan sa kung ano ang tama.
Tandaan ang mga Pilipinong tumindig para sa ating bayan na silang naging tulay tungo sa pagkamit ng pag-asa at kalayaan na ating tinatamasa sa kasalukuyan. Kaya naman, patuloy nating ipaglaban ang ating kapayapaan, katarungan, at kalayaan para sa inang bayan.
Nawa'y puno ng kapayapaan, biyaya, at kagalakan ang ating mga puso sa pagdiriwang na ito. Gabayan nawa'y tayo ng Kanyang mga aral sa ating pamumuhay. Eid Milad Un-Nabi Mubrak!
"And We have not sent you, [O Muhammad], except as a mercy to the worlds." Qur'an 21:107
Ipinagdiriwang ng mga kapatid natin sa Islam ang Maulid un-Nabi bilang paggunita sa kapanganakan ni Prophet Muhammad (SAW).
Isinulat ni: Alshareef Hamsain
Disenyo ni: Rachel Leigh Tan
Sa araw na ito, nakikiisa ang Vista de Aguila sa ating mga kapatid sa Islam sa paggunita sa araw ng kapanganakan ni Prophet Muhammad (SAW) ngayong Setyembre 27, 2023.
Dahil sa mga bayaning may puso para sa ating inang bayan, tinatamasa natin ang kalayaan at naiwawagayway natin ang watawat ng Pilipinas sa kasalukuyan.
Mula sa samahan ng Vista de Aguila, binabati namin kayo ng isang maligayang araw ng mga bayani! Saludo kami sa inyo!
“At sa paghamon mo sa agos ng ating kasaysayan, uukit ka ng bagong daan” - ‘Liwanag sa Dilim’ ng Rivermaya
Ating gunitain ang dugo, pawis, at luha ng ating mga bayani!
Isinulat ni: Angelo Jaylo
Guhit ni: Herleva Zaragoza
Disenyo ni: Rachel Leigh Tan
Ipinagdidiriwang ang pambansang araw ng mga bayani ng Pilipinas tuwing huling Lunes ng Agosto. Sa araw na ito ay ginugunita ang pagpupunyagi’t sakripisyong inialay ng mga mamamayang Pilipino.
Mula sa kapisanan ng Vista de Aguila, Maligayang Buwan ng Wikang Pambansa at nawa’y ating maisapuso na sa kabila ng pagkakaiba-iba ng ating mga wika, ito ay nagsisilbing susi sa ating pagkakaisa at pagkakaintindihan!