Simple lang ang tanong: Bubuksan ba natin ang pinto ng katotohanan, o haharangan ito?
Hinihiling ngayon ng prosekusyon na ipa-subpoena ang bank records, tax records, at AMLC reports ni Vice President Sara Duterte at ng kanyang asawa. Sa pamamagitan nito, mailalahad ang buong katotohanan tungkol sa mga alegasyon sa Article II ng Articles of Impeachment:
Una: Na pinayaman ni Bise Presidente ang kanyang sarili nang labis-labis sa kanyang legal na sahod at lehitimong kita bilang isang lingkod-bayan.
Pangalawa: Na mayroon siyang mga ari-ariang hindi idineklara sa kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) mula taong 2022 hanggang 2025; at
Pangatlo: Na habang siya ay nanunungkulan bilang Bise Presidente, nakibahagi siya sa negosyo, directly or indirectly, kahit ipinagbabawal ito ng ating Konstitusyon.
Ang hiling natin ay mailabas ang buong katotohanan, so that the Impeachment Court may know the truth, the whole truth, and nothing but the truth, and make its decisions based on that.
PHOTO: Senate PRIB
@GManicurist@WinRiOFC C karen ang sisihin nyo wag c SenRi, alangan naman rekta magsinungaling yan sha di nawala ang credibility nya. Anyway, sabi nga KathNiel 12 yrs nabuwag pa so