Magpapatawad si Lord pero hindi ibig sabihin na wala ng consequences. Aanihin pa rin natin ang tinanim hindi para sirain tayo pero para matuto tayo, maramdaman ang bigat ng kasalanan at h'wag na umulit pa.
Natagpuan ka Niyang makasalanan pero sa paglapit at paghingi mo ng tawad ikaw ay pinalaya at pinatawad. Isa lang gusto ni Lord, 'wag ka ng bumalik sa lugar kung san ka Niya natagpuan, sa kahihiyan kung saan ka Niya niligtas at sa kasalanan kung saan ka Niya pinatawad.
Dahil sa kagustuhang makalaya sa bigat ng kalooban, karumihan ng puso at kaayusan ng pagsasamahan kahit mukang dehado o talo ay okay lang basta susunod Siya sa Panginoon.
Hindi talaga lahat kayang bumaba,
Hindi talaga lahat kayang magpakumbaba.
KAYA, NAKAKAMANGHA!
Minsan, may shaking at breaking muna bago magkaroon ng molding at rewarding pero ang makakaranas lang ng magandang resulta ay ang mga nag-endure sa mahirap at masakit na panahon kaya aanihin nila ang bunga ng pananatili kahit na may kahit pa.
Kita ng Diyos
Alam Niya
Tapat Siya
Healthy reminder ๐
Kapag may maling nagawa, matutong magpakumbaba at magpatama. H'wag na humanap ng quotable quotes para magjustify o mandamay para humingi ng simpatya.
Mahalaga ang tamang response, doon may totoong growth and maturity.