UPDATE: Vice President Sara Duterte issues a fresh statement where she claimed receiving info of alleged plans of Pres. Ferdinand Marcos Jr. against her. She also posted a screenshot of her supposed conversation with former AFP chief Romeo Brawner about her security requests. | via @HarleneDelgado
JINGGOY: “ANG NAKATAYA RITO AY ANG KASARINLAN NG SENADO”
Sa gitna ng kinahaharap niyang kasong plunder at warrant of arrest mula sa Sandiganbayan, iginiit ni Senador Jinggoy Estrada na higit pa sa kanyang personal na kapalaran ang nakataya sa kasalukuyang kontrobersiya.
Sa isang press conference ngayong araw, Hunyo 1, sinabi ng senador na nananatili siyang matatag sa kanyang paninindigan sa kabila ng mga kasong kanyang kinahaharap at ng umano’y mga pagtatangkang hikayatin siyang talikuran ang majority bloc sa Senado.
Ayon kay Estrada, ang tunay na usapin ay hindi lamang tungkol sa kanya kundi tungkol sa kalayaan ng Senado bilang isang hiwalay at malayang sangay ng pamahalaan.
“What is at stake here is the independence of the Senate.”
( “Ang nakataya rito ay ang kasarinlan ng Senado.”)
Binigyang-diin pa niya na hindi dapat maging bulnerable ang Senado sa anumang panlabas na impluwensiya o presyur.
“This institution must never become vulnerable to external pressure. It must remain free from political coercion, free from undue influence, and free from any scheme designed to weaken its constitutional role as a co-equal and independent branch of government.”
(“Hindi dapat maging bulnerable ang institusyong ito sa panlabas na presyur. Dapat itong manatiling malaya sa pamimilit sa pulitika, sa hindi nararapat na impluwensiya, at sa anumang planong magpapahina sa konstitusyonal nitong papel bilang kapantay at malayang sangay ng pamahalaan.”)
Bago ito, inilahad ni Estrada ang kanyang alegasyon na ilang beses umano siyang inalok na talikuran ang majority bloc kapalit ng pagbasura sa kanyang kaso—isang alok na aniya’y paulit-ulit niyang tinanggihan.
“Ngayon ko lang po isasapubliko ito. Maraming beses po akong inalok na talikuran ang majority bloc, kapalit ang pagbabasura sa aking kaso, ngunit hindi ko po ito tinanggap.”
Hindi pa niya pinangalanan kung sinu-sino ang mga nasa likod ng umano’y alok. Sa kabila nito, nanindigan si Estrada na hindi siya uurong sa kanyang posisyon.
“I will remain firmly with the majority bloc under the leadership of Senate President Alan Peter Cayetano.”
(“Mananatili akong matatag sa majority bloc sa ilalim ng pamumuno ni Senate President Alan Peter Cayetano.”)
Ayon pa sa senador, kung ang mga kasong kanyang kinahaharap ang kapalit ng mga prinsipyong kanyang piniling panindigan, handa niya itong harapin.
“If this is the price I must pay for the decisions I have made and the principles I have chosen to uphold, then I am prepared to face the consequences.”
( “Kung ito ang presyong kailangan kong bayaran para sa mga desisyong ginawa ko at mga prinsipyong pinili kong panindigan, handa akong harapin ang mga kahihinatnan nito.”)
Sa pagtatapos ng kanyang pahayag, nagbigay pa si Estrada ng isang pahiwatig nang tanungin kung sino ang mga nasa likod ng umano’y mga alok sa kanya.
“Kung tatanungin ninyo kung sino sila, abangan ninyo ang susunod na kabanata.”
@SenImeeMarcos TABOGO ka bobita mag kaiba ba ikaw may sabi eh sa totoo lang kayo mga DDS na Senador ang nagpahamak kay BATO. Ang kaso ni BATO idiot parehas kay Digong siya ang implementor ng DoW sa Tokhang.
Wag kang baliw mag rsearch ka pareho lang kayo ni Mr 10K
Mga TABOGO DDS at yun mga Senador huli na si Zaldy Co.
It was announce and post by
PBBM on his FB account. and
Usec Claire Castro on her YT
Channel. Big fish in the senate
OMG sino kaya ang mga ito na involved dami nila sa Senate present and past.
Nasaan ang bayan my god
wala nga nag atend ng rally at protesta kailangan pang mag upa ng mga tao tapos anyare
kinukupit ang pera ng mga TABOGO Dilis na leader .
So this is what their agenda boils down to? Paghihiganti? Hindi yung kabutihan ng bayan? Ganito din ang bitaw ni Cardema. Iganti.
Hindi man lang unahin yung i-angat ang buhay ng Pilipino? Pagandahin ang ekonomiya? Ang tapang magsalita nitong si Darryl ha. Langaw ka lang.