NBI SA POSIBLENG WARRANT VS. SEN. JINGGOY ESTRADA
Watch: Nakaabang ang National Bureau of Investigation sa posibleng paglalabas ng arrest warrant ng Sandiganbayan laban kay Sen. Jinggoy Estrada.
Natanong si NBI Director Melvin Matibag tungkol dito bago pormal na sampahan ng Office of the Ombudsman ng kasong plunder at graft si Estrada.
“Kapag lumabas ang warrant, we’ll proceed from there,” saad ni Matibag hinggil sa magiging papel ng NBI. @News5PH
LOOK: Reklamo ng actor-politician na si Alfred Vargas laban sa kapwa aktor na si Rob Sy, ibinasura ng Manila Prosecutor’s Office.
Kaugnay ito sa alegasyong binu-bully umano ng anak ni Sy ang anak ni Vargas.
Ayon sa resolusyon ng piskalya, walang sapat na ebidensya upang patunayang may pananagutan sina Sy at kanyang asawa sa sinasabing insidente.
April 13 nang pormal na magsampa ng criminal complaint si Vargas at kanyang asawa laban kina Sy at misis nito. @News5PH
NBI: WALA PANG MANHUNT LABAN KAY BATO.
Watch: Nilinaw ng NBI na ang pagbasura sa hiling na TRO ng kampo ni Sen. Bato dela Rosa para pigilan pansamantala ang arrest warrant ng ICC laban sa kanya ay hindi nangangahulugan ng agarang operasyon.
Ayon kay NBI Spokesperson Palmer Mallari, bagaman sila ay handa at naka-alerto, hindi pa sila makakakilos hangga’t hindi pa nila lubusang napag-aaralan ang buong desisyon ng Korte Suprema. @News5PH
“I DON’T WANT TO SPECULATE.”
Watch: Tumanggi munang magbigay ng komento si NBI Director Melvin Matibag nang tanungin ng media kaugnay ng desisyon ng Supreme Court na ibasura ang hiling ni Sen. Bato dela Rosa na maglabas ng temporary restraining order laban sa pagpapatupad ng kaniyang ICC arrest warrant.
“I have to see the TRO first,” saad ni Matibag. @News5PH@onenewsph
CYBER WARRANT VS. FRANCO MABANTA
May pahintulot na ang National Bureau of Investigation na buksan ang laman ng mga gadget na nakumpiska kay Franco Mabanta at apat niyang kasama kaugnay ng umano’y tangkang pangingikil laban kay Martin Romualdez. @News5PH
Watch: Bahagi ng tradisyon sa pagtatapos ng Philippine Military Academy ang tinatawag na “dunking” kung saan isa-isang ibinabagsak sa fountain ng PMA grounds ang mga bagong graduate ng Talang Dangal Class of 2026. @News5PH
THIRD TIME’S THE CHARM.
Tatlong beses na nabigong makapasok sa Philippine Military Academy si Aerocadet 1CL Mark John Catacutan, pero hindi siya sumuko at patuloy na lumaban hanggang sa magtapos bilang Top 2 ng Talang Dangal Class of 2026.
Isinilang sa Nueva Ecija ngunit lumaki sa Pagadian City, kabilang si Catacutan sa 207 cadet na nagtapos sa PMA graduation nitong Sabado ng umaga, May 16. @News5PH
BALLERINA, TOP 1 SA PMA CLASS OF 2026.
Watch: Batangueña ang valedictorian ng Philippine Military Academy Talang Dangal Class of 2026. Nanguna si Private First Class Christine Kaye Demisana Librada sa 207 graduates ng klase. Tubong Lipa, Batangas at anak ng isang retiradong military officer si Librada. @News5PH
Watch: Si Pangulong Bongbong Marcos ang guest of honor at speaker sa graduation ng Philippine Military Academy Talang Dangal Class of 2026 ngayong Sabado, May 16. @News5PH
Watch: Tumambad ang mga tama ng bala sa ilang bahagi ng GSIS complex kasunod ng putukan sa Senado nitong May 13.
Bumalik sa GSIS complex ang mga tauhan ng NBI nitong Biyernes ng hapon, May 15, para magsagawa ng sarili nilang imbestigasyon sa pagpapaputok ng Senate Sergent-At-Arms sa mga NBI agent. @News5PH
AYAW MAKIPAG-AREGLO.
Watch: Determinadong ituloy ni Alyas Totoy ang reklamong isinampa laban kina Rhian Ramos at Michelle Dee at hindi umano ito interesado sa anumang areglo o monetary settlement.
Ayon kay VACC President Boy Evangelista, hustisya at pananagutan ang nais makamit ni Totoy matapos umano malagay sa panganib ang kanyang buhay. @News5PH
Watch: Emosyunal ang dating driver ni Rhian Ramos na si Alyas Totoy nang magsampa ng kasong slight illegal detention, unlawful arrest, at physical injuries sa Makati Prosecutor’s Office laban sa dati nitong amo at kaibigang beauty queen na si Michelle Dee ngayong Miyerkules, May 13.
Nitong Enero, dumulog sa NBI-Homicide Division si Alyas Totoy upang ireklamo sina Ramos at Dee. @News5PH