Nitong mga huling pag-ikot ko sa iba’t ibang paaralan, maraming lumalapit sa akin mula noong nakaraang halalan, nagsasabing binoto nila ako kahit akala raw nila ayaw ko sa mga bakla.
Hindi po iyon totoo.
Ang totoo, galing ako sa konserbatibong pinagmulan at sa henerasyong hindi laging naturuan na pakinggan nang buo ang karanasan ng LGBTQIA+ community.
Inaamin ko, tulad ng maraming Pilipino, may mga bagay akong mas matagal dapat pinakinggan, mas malalim dapat inunawa, at mas maaga dapat ipinaglaban.
Mas nauunawaan ko ito dahil minsan ko na ring naranasan ang pakiramdam na tila mag-isa ako sa laban. Noong panahong tumetestigo ako sa Sandiganbayan kahit resigned na ako sa COA, alam ko ang bigat ng paninindigang hindi palaging komportable, pero kailangang gawin.
Sa mahabang panahon ko sa COA at sa United Nations, napalibutan ako ng mahuhusay, matatalino, masisipag, at mapagkakatiwalaang LGBTQIA+ colleagues and friends. Marami sa kanila ang naging katuwang ko sa trabaho, sa paglilingkod, at sa mahihirap na panahong kailangan ko ng tapang at malasakit. Marami rin sa kanila ang nakasama ko sa kampanya.
At dahil ligtas ako sa piling nila, may mga panahong inakala kong ligtas na rin sila sa mundo.
Doon lumalim ang aking pag-unawa.
Hindi sapat na mahalin natin ang LGBTQIA+ sa opisina, sa pamilya, sa simbahan, sa kampanya, o sa barkada kung sa labas ng mga espasyong iyon ay may mga Pilipino pa ring maaaring mawalan ng trabaho, mapahiya sa paaralan, maitaboy sa ospital, tanggihan ng serbisyo, o husgahan dahil lamang sa kanilang pagkakakilanlan.
Lilinawin ko lamang: hindi ako tumalikod sa aking mga prinsipyo. Mas naging malinaw lamang sa akin na ang prinsipyo, kapag tunay, dapat marunong makinig, matuto, at magprotekta sa taong mas madaling masaktan ng lipunan.
Alam kong may mga relihiyosong Pilipino na nag-aalala. Naiintindihan ko po iyon. Mahalaga ang pananampalataya sa ating mga pamilya, komunidad, at konsensya.
Ngunit hindi kailangang magbanggaan ang pananampalataya at proteksyon laban sa diskriminasyon. Sa pananampalatayang buhay, may puwang ang katotohanan, katarungan, awa, at pagpapakumbaba.
Nalulungkot nga ako kapag naririnig kong may mga LGBTQIA+ na hindi na nagsisimba dahil hindi nila maramdamang may puwang sila sa Simbahan.
Mas gaganda siguro ang usapan kung magsisimula tayo sa pakikinig, hindi sa takot; sa paggalang, hindi sa paghuhusga; at sa malinaw na layuning walang Pilipinong dapat apihin dahil sa kanyang pagkatao. Sa ganitong konteksto, gusto kong taos-pusong bumati ng Happy Pride!
Maraming salamat sa paghintay sa mga katulad kong mas mabagal na nakarating sa mas malinaw na pag-unawa. Pero dapat hindi naghihintay ang karapatan habang kami ay natututo.
Kailangang seryosohin ang proteksyon laban sa diskriminasyon. At kailangang matuto rin ang mga tulad ko na ang mabuting intensyon ay hindi sapat kung hindi ito nauuwi sa mas makatarungan at mas makataong paninindigan.
#HappyPride
#PrideMonth2026
#PridePH
"We should not expect honesty from our leaders, WE SHOULD DEMAND IT.
Make sure that you choose your leaders right. Make sure that they are always held accountable and make sure that they lead with integrity. IBOTO ANG GUMAGAMIT NG PONDO NG BAYAN SA TAMANG PARAAN."
Right in front of the Villafuertes! Power jusa!
RJ PERKINS RAISES THE DAD BOD UP!
Face card, check. More of him to hug and hold, double check. Dad bod confidently displayed, triple check!
RJ Perkins, a #MisterPampanga candidate, shakes up male beauty pageant standards and traditions with his plus-size physique, authenticity, and confidence. His presence in the pageant sparked heated online discussions on body shaming, body positivity, physical wellness, health, and self-love.
For your chutzpah and for celebrating your dad bod, we see you, RJ Perkins. | Alwin Ignacio
Photos courtesy of Pageant Talk FB page.
#dailytribune
hindi naman masamang maglive sell marangal ang live sellijg pero she’s not supposed to be selling diet coffee on tiktok she’s SUPPOSED TO BE ON THE BIG SCREEN playing girly pop roles this is just sad