Kung ang nagnakaw ng de latang walang isang daang piso para sa gutom na pamilya ay nahuli at nakulong, anong parusa ang naghihintay at maaasahan nating mga mamamayan sa mga opisyal na bilyones ang kinurakot sa kaban ng bayan?
One last time for the people in the back:
I am Camille. Not Claudine. Spell it with me now: C-A-M-I-L-L-E.
Also, Google is free. (Unlike those people’s corruption-funded shopping sprees.)
@PLDT_Cares, our internet connection has not yet been restored, and it has been 2 days since the outage. Our ticket number is 00001852024; could you please expedite the restoration?
@PLDT_Cares Already done these troubleshooting steps. 4 of us is working from home, and using mobile data is just a temp solution. We need this to be resolved asap, thanks
Hindi savings bank ang Philhealth !
Kapag nakita mo ang mga kababayan nating mahihirap sa mga pampublikong ospital, itatanong mo sa iyong sarili kung bakit may P90 bilyon savings or unused funds ang Philealth.
Hindi ko alam kung nakapasok na ba sa mga public hospitals ang mga opisyal ng Philhealth.
Subukan nyo kayang pumasok sa Fabella Hospital sa Maynila para makita nyo na ang isang kama ay pinagsasaluhan ng dalawa hanggang tatlong bagong panganak na nanay. At habang siksikan sila sa kama, iyong mga bantay naman nila ay natutulog sa mga bangketa at mga gilid-dilid ng pasilyo ng ospital.
Pumunta rin kayo sa San Lazaro Hospital para malaman nyo kung gaano kahaba ang pila ng mga mahirap nating kababayan na naghihintay mapansin ng mga duktor. At alam nyo ba kung gaano karami ang mga kababayan nating nagdadala ng nakagat ng aso sa San Lazaro ay ganoon din karami ang naghahanap ng kasamang pasyente para makabili lang ng napakamahal na anti-rabies na gamot para iturok sa kanila?
Nakapasok na rin kaya ang mga taga-Philhealth sa PGH sa Maynila? Nakita na kaya nila kung gaano kahaba ang pila ng mga mahihirap na pasyente na naghihintay na may mabakanteng kuwarto para sa confinement ng kanilang kaanak na naghihingalo?
Umikot lang kayo sa East Avenue Medical Center, sa Heart Center, sa Kidney Institute at sa lahat ng pampublikong ospital sa buong bansa tapos sabihin nyo sa amin kung bakit may P89.9 bilyong hindi nagamit na pondo ang Philhealt na ibininalik nila sa Genera Funds thru National Treasury.
Nakakalungkot na malamang sumulat pala si Finance Secretary Ralph Recto kay Philhealth President/CEO Emmanuel Ledesma para atasan na i-remit sa Bureau of Treasury ang unused funds ng ahensiya kaya maraming medical practitioners ang umaangal ngayon.
Kapag nakita n’yo ang mga nakapila para sa dialysis at iba pang may karamdaman nating mga kababayan na nakahilera sa mga emergency section ng mga ospital, pagtatakhan mo talaga kung bakit may unused funds ang Philhealth.
Sa isang banda, maganda itong tingnan dahil masinop ang paggamit ng Philhealth ng pera kaya nagkaroon pa ng savings. Pero kung itatapat ko ang P90 bilyon na sa yan dami ng mga kababayan nating nangangailangan ng medical attention, puwede kong isipin na maling pagtitipid ito.
Wala namang masamang intensiyon si Secretary Recto sa kanyang direktiba kay Ledesma dahil alam naman natin gusto rin ng kalihim na makalikom ng pondo para may magamit sa iba’t ibang programa at proyekto ng Marcos administration.
Ang problema dyan sa P90 billion, mapupunta sa mga unprogrammed projects yan. Ibig sabihin, hahanapan pa ng paggagamitan dahil nga wala sa plano ng paggasta.
Ang tanong, malinaw ang mandato ng Philhealth na maging sandigan ng mga mahihirap nating kababayan para sa mga medikal nilang pangangailangan. Hindi ba’t napakadali kung saan dapat gamitin ang P90 bilyon kung susundin lang nila ang mandato ng batas?
Uulitin natin, hindi savings bank ang Philhealth para mag-impok ng pera, dapat gamitin nyo yan para sa mga totoong nangangailangan nating mga kababayan kaysa mapunta ang pondo kung saan.
Kailangan na marahil ng intervention ni Pangulong BBM para maibalik sa mga pasyente ang pondo na ito. Or baka kailangan na ng pakikialam ni House Speaker Martin Romualdez para maitama ang pagkakamaling ito ng Philhealth?
Written by :
[email protected]
DAYS after FIRST EVER by any Filipino or Southeast Asian DOUBLE GOLD 🥇🥇🇵🇭there is ZERO COVERAGE of his athletic journey and LESSONS for future success, but a ZILLION CONTENT on his PRIVATE life and MARITES!!!
We got a cultural crisis!!!!
SENATORS WHO VOTED IN FAVOR OF LEGALIZING POGOS
The Senate version of the bill was authored by Sen. Ralph Recto, Sen. Imee Marcos, and Sen. Pia Cayetano, with Cayetano as the sponsor.
Sen. Franklin Drilon, Sen. Risa Hontiveros, and Sen. Kiko Pangilinan voted against it.
Risa Hontiveros to Sara Duterte: 'You're not special'
"If you’re so confident about those confidential funds, then defend them publicly," said Sen. Risa Hontiveros as she hit back at VP Sara Duterte on confidential funds in the OVP and DepEd budgets.