Huli sa video ng rider na si Vincent Cayanes ang panunulak ng isang pulis na naging sanhi ng kanyang pagkatumba sa kahabaan ng C5 Road cor. Lanuza Avenue, Pasig City, 5:30 p.m. ng Martes, May 12.
Ayon sa biktima, nagsampa na siya ng reklamo sa Highway Patrol Group sa Camp Crame. Sinabi naman ng Napolcom na iniimbestigahan na nila ang insidente. | via @AllisonCoABSCBN
(📹: Vincent Cayanes)