hindi biro 'yong mga gabing itutulog mo nalang ang sakit at bigat ng pakiramdam mo
tapos gigising sa umaga na malungkot at buong maghapon na naman haharapin ang lahat ng mga pangamba at takot
Hanggat kaya mong ilayo at protektahan ang sarili mo sa mga taong walang magandang naidudulot sa'yo at sa mga mapagsamantalang mga tao, gawin mo. Uubusin ka lang nila, maaaring wala pa silang ititira.
Huwag mong hahayaan na DIKTAHAN ka ng ibang tao sa klase ng buhay na gusto mo para sa sarili mo, lalo na't kung alam mong hindi ka naman nakapapanakit ng ibang tao.
Bahagi talaga ng pagkatao natin ang magkamali, masugatan at mabigo, para mas matuto tayo sa buhay; para mas bigyan tayo ng pagkakataon na mas kilalanin pa natin maigi mga sarili natin; at para mas malaman pa natin kung paano pahalagahan at pagkamahalin pa ang mga sarili natin.