Kaya ba't hindi ka sumugal noon ay dahil natatakot kang hindi manalo sa dulo. Mahal, pinilit kong ipagsapalaran ang lahat dahil alam kong nakuha ko na ang lahat sa umpisa. Simula nang makasama kita, tapos na.
Pwede bang patulugin mo ako sa ganitong mga oras. Hindi ito utos kundi isang hiling. Patulugin sana ako ng mga alaala mong nananahan sa aking apat na kwarto. Patulugin na sana ako ng yakap mong nakayapos pa rin hanggang ngayon. Mahal, patulugin mo ako.