37-anyos na lalaking TNVS driver, patay matapos pagbabarilin ng kanyang pasahero sa Brgy. 176-A Caloocan.
Naaresto na ng Caloocan Police sa ikinasang hot pursuit operation ang 43-anyos na lalaking suspek sa San Jose del Monte, Bulacan. @gmanews
Ilang personalidad sa Bulacan, kakasuhan bukas, June 4, ng Office of the Ombudsman sa Malolos Regional Trial Court kaugnay sa flood control project, ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon.
“Mayroon pang parating na kaso. In fact, tomorrow mayroon ulit ifa-file sa Bulacan naman. Hintayin n'yo na lang kung sino kasi malaking isda rin 'yon."
Sinabi ‘yan ni Dizon nang inspeksyunin ang Matalahib Creek Pumping Station kasama ang Quezon City LGU ngayong umaga. | via @_jamesJA
Bisitahin ang https://t.co/bAMF9JOAN0 para sa iba pang updates.
'MALAKING ISDA,' KAKASUHAN KAUGNAY NG FLOOD CONTROL PROJECT SA BULACAN
NEWS UPDATE: Ilang personalidad sa Bulacan, kakasuhan bukas ng Office of the Ombudsman sa Malolos Regional Trial Court kaugnay ng flood control project, ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon.
“Mayroon pang padating na kaso. In fact tomorrow mayroon ulit ipa-file sa Bulacan naman. Hintayin ninyo na lang kung sino kasi malaking isda rin iyon. Hintayin ninyo na lang bukas.”
Sinabi ‘yan ni Dizon nang inspeksyunin ang Matalahib Creek Pumping Station kasama ang QC LGU ngayong umaga, June 3, 2026. | via James Agustin/GMA News
Bisitahin ang https://t.co/bAMF9JO2Xs para sa pinakabagong balita.
Nagdulot ng pagbaha sa northbound lane ng EDSA sakop ng Brgy. Apolonio Samson, Quezon City ang ilang minutong malakas na buhos ng ulan pasado alas tres ng madaling araw. @gmanews
BABALA: Sensitibong balita na may kinalaman sa pagkasawi. Maging disente sa pagkomento.
Nasawi ang 73-anyos na lalaki na naghihintay sa labas ng tanggapan ng DA-BAI para makabili ng P20 na bigas matapos masalpok ng pick-up sa Visayas Avenue, Quezon City bago mag-4 AM.
Naisugod pa ang biktima sa ospital pero nasawi kalaunan.
Sugatan din ang lalaking nagtitinda sa bangketa.
Nasa kustodiya na ng QCPD Traffic Sector 6 ang driver ng pick-up na tumangging magbigay ng pahayag. | via @_jamesJA
Bisitahin ang https://t.co/bAMF9JOAN0 para sa iba pang updates.
TINGNAN: Iba’t ibang grupo ng mga manggagawa sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno (KMU), nagsimula nang magmartsa mula España Blvd. patungong Mendiola ngayong Labor Day, May 1, 2026. | via @_jamesJA
TINGNAN: Nagsimula nang magmartsa ang iba’t ibang grupo ng mga manggagawa, sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno (KMU), mula España Blvd. patungong Mendiola ngayong Labor Day, May 1, 2026. | via @_jamesJA
BASAHIN: https://t.co/9H2iph6tXI
Muling ininspeksyon nina DPWH Secretary Vince Dizon, DENR Acting Secretary Mitch Cuna, Japanese Ambassador to the Philippines Endo Kazuya at Navotas LGU ang Navotas landfill ngayong umaga, April 28.
Sabi ni Secretary Dizon, 90 percent ng 44 ektaryang landfill ang nasunog. Halos 50 percent na raw ang naaapula. | via @_jamesJA
TINGNAN: DPWH Secretary Vince Dizon, DENR Acting Secretary Mitch Cuna, Japanese Ambassador to the Philippines Endo Kazuya at Navotas LGU, ininspeksyon ang Navotas landfill ngayong umaga, April 28.
Mas maraming heavy equipment na ang nakapasok sa landfill dahil sa access road simula noong April 18. Sabay-sabay itong ginagamit para matabunan ng lupa ang bahagi ng landfill na nasusunog pa.
Tumulong na rin at nagbigay ng kanilang technical support ang Japan disaster response team.
Sabi ni Secretary Dizon, 90 percent ng 44 ektaryang landfill ang nasunog. Halos 50 percent na raw ang naaapula. | via @_jamesJA
Bisitahin ang https://t.co/KqDTBMbTQD para sa iba pang updates
PANOORIN: 10 bahay ang nasunog sa bahagi ng C.P. Garcia Avenue, Barangay UP Campus sa Quezon City, Lunes ng gabi, April 13, 2026.
Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na nagsimula bago maghatinggabi at naapula bandang 12:46 AM, April 14, 2026.
Nasa 16 pamilya ang naitalang apektado ng nasabing sunog.
Inaalam pa ng Bureau of Fire Protection ang sanhi ng apoy na nagsimula sa ikalawang palapag ng isang bahay na walang supply ng kuryente. | via James Agustin/GMA News
Video Courtesy: Andrea Gregas
Bisitahin ang https://t.co/bAMF9JOAN0 para sa updates.
EARLIER: Pagdating ni Pangulong Bongbong Marcos sa Mt. Samat National Shrine sa Pilar, Bataan para pangunahan ang ika-84 anibersaryo ng Araw ng Kagitingan ngayong araw, April 9, 2026. | via @_jamesJA
TINGNAN: Mahaba ang pila ng mga pasahero na naghihintay na makasakay pauwi sa Bulacan at Nueva Ecija sa isang bus terminal sa EDSA-Cubao, Quezon City ngayong Huwebes Santo.
Ayon sa terminal officer-in-charge, may bumiyahe silang 20 extra bus pero dagsa raw talaga ang mga pasahero na pauwi sa probinsiya. | via @_jamesJA
Bisitahin ang https://t.co/bAMF9JOAN0 para sa iba pang updates.
MGA PASAHERO, NAGSIMULA NANG DUMAGSA NGAYONG HUWEBES SANTO
PANOORIN: Pila pa rin ang mga pasahero sa isang bus terminal sa EDSA-Kamias sa Quezon City ngayong Huwebes Santo, April 2, 2026.
Ang ibang pasahero, ilang oras ang hinihintay bago makasakay patungong Quezon.
Ayon sa bus dispatcher, kahapon pa mahaba ang pila ng mga pasahero. Dumagsa raw talaga ang magsisiuwian sa probinsiya pero may mga extra bus naman sila na bumabiyahe. | via @_jamesJA
Bisitahin ang https://t.co/bAMF9JOAN0 para sa updates.
PILA SA TERMINAL NGAYONG HUWEBES SANTO
TINGNAN: Pila pa rin ang mga pasahero sa isang bus terminal sa EDSA-Kamias sa Quezon City ngayong Huwebes Santo, April 2, 2026.
Ang ibang pasahero, ilang oras ang hinihintay bago makasakay patungong Quezon.
Ayon sa bus dispatcher, kahapon pa mahaba ang pila ng mga pasahero. Dumagsa raw talaga ang magsisiuwian sa probinsiya pero may mga extra bus naman sila na bumabiyahe. | via @_jamesJA
Bisitahin ang https://t.co/bAMF9JOAN0 para sa updates.