NA-TRAP SA IMBURNAL MATAPOS MAGSELOS?
TINGNAN: Isang lalaki ang nasagip matapos umanong ma-trap sa imburnal sa Brgy. Tatalon, Quezon City.
Ayon sa salaysay, tumalon umano ang lalaki mula sa isang tulay patungo sa ilog matapos niyang makita ang kaniyang asawa na may kasamang ibang lalaki. Hinabol umano siya ng nasabing lalaki kaya nataranta at napatalon sa tulay bago siya inanod patungo sa imburnal kung saan siya natagpuan.
Nirespondehan ng QCDRRMO ang lalaki, ayon sa barangay.
Bisitahin ang https://t.co/bAMF9JOAN0 para sa iba pang updates.
(1/2)