Nasawi ang isang buntis at kaniyang live-in partner na patungo sa ospital para magpa-checkup matapos mabangga ng van ang sinasakyang kotse sa bypass road sa Tagaytay. Nasawi rin ang drayber ng kotseng nagmagandang-loob lamang na ihatid sila.
Sakay naman ng van ang limang kabataang lasing umano. Mabilis umano ang takbo ng van at iniwasan pa ang poste sa gitna ng kalsada. | via @Dennis_Datu