Hello. Not to defend anybody, just to set the record straight.
The President was very willing to take the question. He was conversing with me through gestures, eventually pointed at me and said, “Sige, sige. one more, one more (question).”
Then biglang no more na. Sayang. ☹️
'TRIAL MANAGEMENT'
Posibleng pinipigilan ng depensa ang prosekusyon na busisiin ang mga dokumentong hawak ng mga bank official kaya sila iniatras bilang testigo sa VP Sara impeachment trial, ayon sa eksperto. @DZMMTeleRadyo
Tiwala si PH Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez na tuloy ang pagdalo ni US Pres. Trump sa ASEAN Summit sa Pilipinas.
Ito'y sa kabila ng ground stop sa mga flight sa US, na ipinatupad ng Federal Aviation Administration sa loob ng 4 na oras. @DZMMTeleRadyo
HINDI SAPAT ANG TULONG?
Nakukulangan ang isang labor group sa tulong na ipinaabot sa mga vendor na apektado ng mga paghahanda sa ASEAN Summit. @DZMMTeleRadyo
Hinihikayat ng NTC ang mga gumagamit pa rin ng antenna na bumili ng digital set-top box para patuloy na makapanood ng free TV pagkatapos ng analog shutdown.
Nakatakdang magsimula ang analog TV shutdown sa Mega Manila sa Nov. 22. @DZMMTeleRadyo
'GOODWILL VISIT'
Para kay security analyst Chester Cabalza, maigigiit ni Pang. Marcos sa pagdalo sa APEC meeting na hindi nasisindak ang Pilipinas sa pananakot ng China sa West Philippine Sea. @DZMMTeleRadyo
BIBILIS NA NAMAN?
Posibleng bumilis pa ang inflation o bilis ng pagtaas ng presyo ng bilihin ngayong Oktubre, base sa forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas. @DZMMTeleRadyo
DAGDAG-BAWAS SA PETROLYO, SIRIT SA LPG
Asahang muli ang dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo sa Martes, Oct. 27.
Samantala, namumuro naman ang P3-P4/kg taas-presyo sa LPG sa Nobyembre. @DZMMTeleRadyo
'BACK TO ZERO'
Iginiit ng COMELEC na kailangang magsumite ulit ng lahat ng requirements ang mga delisted party-list na nais mag-refile ng accreditation sa komisyon.
Mayroong hanggang Dec. 30 ang mga naturang party-list para mag-refile ng accreditation. @DZMMTeleRadyo
STATEMENT: The Defense Press Corps of the Philippines takes a stand against the Chinese Embassy in Manila’s disparaging remarks against Filipino journalists.
DAGDAG-BAWAS ULIT PERO...
Asahan ang panibagong dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo sa Martes, Oct. 20.
Malaking rollback ang naghihintay sa mga naka-gasolina pero posibleng taas-presyo naman sa diesel. @DZMMTeleRadyo
@DZMMTeleRadyo Dagdag ni defense counsel Michael Poa, walang balak mag-back out ang kanilang panig sa paglilitis.
Paliwanag niya, posibleng maisumite na for resolution at pagbotohan agad ang Article 2 nang hindi sila nakapagpresenta ng ebidensya sakaling gawin nila ito. @DZMMTeleRadyo
Defense team ni VP Duterte, puspusan na ang paghahanda para sa pagsisimula ng presentasyon ng ebidensya sa pagpapatuloy ng impeachment trial sa Nov. 9. @DZMMTeleRadyo
'HINDI NA PO MAUULIT'
Iginiit ni Counsel for Prosecutors Atty. Lorna Kapunan na walang kinalaman sa inatras na 3 articles of impeachment ang kanilang wacky picture sa Session Hall ng Senado na sinita ng liderato. @DZMMTeleRadyo