PANOORIN: Nagmamartsa na sa kahabaan ng España ang mga nagwelgang tsuper, operator, at komyuter para kalampagin sa Malacañang si Pangulong Marcos.
Giit nila, welgang bayan ang kinakailangan upang dinggin ang kanilang panawagan kontra sa PUVMP.
TINGNAN: Nakaharang ang mga jeep sa kahabaan ng Recto Avenue papuntang Mendiola sa Maynila bilang pagprotesta sa isinusulong na PUV modernization program.
Nakatakda ang deadline ng requirement na consolidation ng mga operator sa Linggo, Disyembre 31. | via @michael_delizo
DI MO BA NARIRINIG AWIT NG BAYAN NA GALIT?
Tagumpay na inangkin ng mga drayber at operator ang buong Mendiola! Makakamit lamang ito sa sama-samang lakas ng sambayanang nagkakaisa na ibasura ang PUVMP!
Atin ang kalsada! Dito tayo magdidiwang ng bagong taon!
Time check: 9:29PM.
Ito ang kalagayan ngayon sa Recto. Nakaparada ang daan daang jeep sa kahabaan ng recto at tuloy ang programa SA KABILA ng ilang beses ng pagbabanta ng MPD. #TuloyAngWelga#MarcosPahirap#NoToJeepneyPhaseout
Hinarang ang mga jeepney driver at jeep dito sa recto kung kaya’t nahati sa dalawa ang bulto!
Ang sahod niyong mga pulis ay nanggaling mula sa mga tax na binabayaran ng mga komyuter at mga jeepney driver natin! Pagsilbihan niyo ang bayan hindi ang mayayaman!
#MarcosPahirap