Sobrang nakakaubos ngayong finals. Andaming pendings. Hindi na alam kung paano lahat magagawa eh halos sabay-sabay ang pasa. Antok na ang mata ko, pagod na ang katawan ko, pero pilit akong ginigising ng mga nakaabang na gawain. Paano ba 'to?
Hindi ko na rin naisip na alagaan yung grades na mine-maintain ko. Sobrang malulungkot ako kapag mababa ang makuha ko ngayong 2nd sem, matatanggap ko pero hindi ko mapapangako na hindi kwestyunin ang sarili ko. Sayang, sobrang sayang. :'(
Sa unang dalawang buwan, Madami ng dumaan,
nagbago, umalis, at naiwan.
Ano pa ba ang aasahan, o dapat pa bang umasa?
Ngayon, panibagong yugto na naman ang magsisimula.
Ang tanging inaasahan,
Paglago at mabuting kalusugan.
:)
Yow what a day
First time ko kumuha ng admission slip (marunong na, eme). Kidding aside, so thankful kasi si Ali 'yun, ang weird na parehas kaming absent sa isang course subject bcs of me pero ayun wag ko 'raw sisihin sarili ko, aww *best late experience* pero last na 'yun❤️🩹!!!!