AMA SINURPRESA ANG ANAK SA VALENTINE'S DAY 🌈
Tunay ngang hindi lang para sa magkasintahan ang Araw ng Mga Puso dahil ang isang ama sa Victoria, Tarlac, sinurpresa ang kaniyang anak at i-dinate!
Ayon sa amang si Kuya Les, si Ezekiel, o "Kiela" sa gabi ay ang kaniyang pangalawang anak. Dahil nasa abroad ang ina nito, naisipan daw ni Kuya Les na surpresahin si Ezekiel para sa Valentine's Day.
"Siya lang ang madalas kong kasama dahil yung asawa ko ay nasa ibang bansa."
"Tanggap ko naman kung sino siya kaya naisip ko na siya na lang ang ka-Valentine's ko."
Dagdag ni Kuya Les, pinagplanuhan daw nila ang pagsurpresa kay Ezekiel. Nagpabili aniya siya ng bulaklak sa tita ni Ezekiel habang ang nag-make up naman ay ang kaniyang pinsan.
Sa video na in-upload online ni Kuya Les, labis ang ngiti ni Ezekiel nang surpresahin siya ng kaniyang ama. Ayon kay Ezekiel, masaya siya dahil ito ang first time na nakatanggap siya ng bulaklak.
Nagbigay naman ng mensahe si Kuya Les sa mga kapwa ama na kapareho aniya niya ng sitwasyon.
“Message ko lang sa mga tatay na mayroong mga ganitong anak, tanggapin nila kung ano yung pagkatao ng anak nila, hindi magiging masaya ang anak nila kung pipigilan sila sa kung ano sila."
"Hayaan na lang po nila na maging masaya yung anak nila," dagdag niya. | via Mary Antalan, DZRH Digital
A father who works at a water park in Russia broke in overnight with his son to give the boy a memorable 11th birthday treat. The pair was caught on security cameras splashing in the pools, swimming, and using the water slides. His boss miraculously didn't fire him, stating, 'We did not dismiss the employee. We looked into his situation, tried to understand why he acted this way...His motive was a simple human desire to create an unforgettable moment for his child - to give him an experience he will happily remember for many years.'