Ano nga ba ang kalagayan ng ating mga manggagawa? Bakit nga ba natin dapat gunitain ang Mayo Uno?
Sumama sa talakayan bukas, alas-4 ng hapon, sa Facebook Page ng Stand Central Luzon at Workers' Movement for Change Central Luzon.
#Makibaka#MayoUno2021
MAMAYA NA!
Mula sa ating kanya-kanyang tahanan, sama-sama nating kalampagin ang bingi at manhid sa ating mga panawagan! Samahan ninyo kami mamayang 6PM para sa isang gabi ng tugtugan, tulaan, at kalampagan.
Makibaka, huwag matakot! Mula social media palabas ng lansangan patungong mga komunidad, pagawaan, sakahan, at kanayunan, paglingkuran ang sambayanan!
#Kalampagan2021#OustDuterteNOW
Mayroon ding mga espesyal na partisipasyon mula sa Nagkakaisang Manggagawa ng Nutriasia, Nagkakaisang Manggagawa ng FAB, PCPR Central Luzon, at mga NDMOs!
Dumalo at magpadalo!
#Kalampagan2021#KalampagngKabataan
Sagutin ng kalampagan ang bawat kumakalam na tyan! Panagutin ang mamamatay tao at taksil sa bayan na si Duterte! Mula sa ating kanya-kanyang tahanan, kolektibo nating irehistro ang galit sa patuloy na paglala ng kalagayan ng ating bayan!
Kasama ang Axel Pinpin and the Propaganda Machine, Sining Kanlungan, Musicians for Peace, Pangayaw, The General Strike, KM64, Kamandag, SINAGBAYAN, Alay Sining, AUX Kolektib, Tambisan sa Sining, Sining Laya, at sina Stum Casia at Moret Banwa.
Samahan ninyo kami mamayang hapon para sa online press conference ng STAND BulSU kasama mga pambansa-demokratikong organisasyon upang irehistro pagkadismaya at galit sa patuloy na paglala ng krisis sa edukasyon kasabay ng krisis sa kalusugan, kabuhayan at ekonomya.
4PM | FB Live
Sa katunayan, dumagdag lang ang rehimen sa sakit ng ulo, bulsa, at kalooban ng sambayanan!
Ipaglaban ang mas makatao at makatarungang lipunan! Puksain ang COVID-19, wakasan ang Dutertevirus!
Wala tayong matinong napala sa gobyernong Duterte matapos ang isang taon na lockdown. Hindi naapula ng kanyang mga mura, pagmamayabang, at pang-aalimura sa demokratikong kilusan at oposisyon ang sakit. Wala ring naging saysay ang kamay na bakal para saluhin ang bagsak na ekonomya
Sagad-sagaran na ang pambababoy ng kasakukuyang rehimen sa buhay at kabuhayan ng sambayanang Pilipino. Puno na ang salop; panahon nang pag-apawin ang paglaban at magmartsa ang laksa laksang mamamayan upang patalsikin ang papet at pahirap na rehimeng US-China-Duterte
#OUSTDUTERTE
Bilang isa sa mga aktibong nagsiwalat sa mga masasahol na pakana ng AFP sa mga Tumandok, ang Brgy Captain na si Julie Catamin ay makailang ulit nang hinarass at pinatawag sa military detachment ngayong buwan. Pinagbantaan sya ni Lt. Estrada na kung hindi magtitigil sa pagkonsulta
Ngayong hapon, balikan natin ang Unang Sigwa at ang papalakas na sigaw ng milyong magmamartsa upang patalsikin ang diktador sa kasalukuyang panahon. Alas-4 ng hapon sa discord channel ng NDFlix!
Kitakits! Magmensahe sa aming socmed accounts para sa link.
Umaalingawngaw sa bawat sulok ng pader ang hiyaw ng kasaysayan -- ang nagsasalitang sambitan ng mga kuyom ng "Makibaka, huwag matakot". Nakasiksik sa kanto ng mga alaala ang bawat tugon ng "Digmang Bayan" sa bawat hiyaw ng "Sagot sa Martial Law".
Hindi tunay na naililibing ang kolektibong alaala ng paglaban na nananalytay sa bayan. Gaano man kagarbo ang palabas para ilusot sa Libingan ng mga Bayani o gaano man magsumiksik sa natalong pwesto sa pagkabise presidente o di kaya ay mameke ng diploma.