Nasabat ng Bureau of Customs (BOC)–Port of Clark, katuwang ang Philippine Dr*g Enforcement Agency (PDEA), ang dalawang shipment na naglalaman ng 19.89 kilo ng ketam!ne na nagkakahalaga ng ₱99.4 milyon.
Ayon sa pahayag ng BOC, ang pinaigting na inspeksyon at pagbabantay ay bahagi ng kanilang mga hakbang sa seguridad kasabay ng paglapit ng holiday season.
Courtesy: BOC / Facebook
As of 12:35 PM, kasalukuyan pang umuusok ang pinangyarihan ng sunog sa Stanford St., Barangay E. Rodriguez, Quezon City kahapon ng hapon, November 2.
Batay sa isang residenteng nasunugan, naiwang kandila ang itinuturong dahilan ng sunog na mabilis kumalat dahil gawa sa light materials ang mga bahay na apektado. | via Vitto Bamba, Abante News
Sen. JV Ejercito: “Ayoko namang sabihin na lahat ng insertions na nanggaling sa ating counterparts sa House of Representatives ay masasama.”
📹 : Point of Order | DWAR Abante Radyo
Tinutulan ng defense team ni Vice President Sara Duterte ang lahat ng ebidensyang inilahad ng prosekusyon sa impeachment trial, ayon kay Rep. Terry Ridon. | via Billy Begas, Abante News
Rep. Cendaña sa may-ari ng pet crematorium na nagtapon ng mga labi ng pets sa Bulacan: “Ito’y isang porma na para bang sindikato na ‘yung operation. They are capitalizing on the mourning, doon sa sorrow at sadness ng ating mga furparents.”
📹 : Point of Order | DWAR Abante Radyo
CHINO SY TANCONTIAN, NAG-UWI NG BRONZE MEDAL SA 2026 FLORIDA PAN-AMERICAN OPEN
Nagwagi ng bronze medal ang Filipino judoka na si Chino Sy Tancontian sa men's -100kg division sa ginanap na 2026 Florida Pan-American Open sa Gainesville, Florida.
Nananatili si Tancontian sa hanay ng mga pambato ng Pilipinas na nagdadala ng pag-asa ng bansa sa larangan ng judo sa pagpapatuloy ng qualification journey patungong LA 2028.
Courtesy: POC
EXCLUSIVE: Sa gitna ng umiinit na usapin kaugnay ng umano’y squatting allegations, may bagong pasilip si Alden Richards sa kanyang bakasyon sa isang exclusive island destination.
Usec. Castro sa umano’y iba pang mga bansa na nakararanas din ng paghina ng currency: “Dahil rin po sa nangyayari sa krisis sa Middle East, maraming bansa ang apektado, nandiyan na rin po ang bansang Japan, at South Korea.”
📹 : RTVM
LTO CHIEF LACANILAO, ALISIN SA LTO?
Sinagot ni Transportation Secretary Vince Dizon ang apila ng transportation group Manibela na ‘wag tanggalin sa pwesto si Land Transportation Office Chief, Markus Lacanilao.
Anya hindi pa siya sigurado sa balita at kailangan pa niyang kausapin ang Pangulo tungkol dito.
Sinabi naman ng kalihim na isa sa pinaka magaling na LTO chief si Lacanilao at naniniwala itong ilalagay siya ng Pangulo kung saan ito mas makakatulong. | via Maica Razon, Abante News
23 KILOMETRONG BAHAGI NG C5 ROAD AAYUSIN NG DPWH
Inanunsyo ni Department of Public Works and Highways Secretary Geovanni Lopez na magsasagawa ang ahensya ng C5 rehabilitation na magsisimula sa Kalayaan hanggang sa Capitol Hills.
Kasama sa proyekto ang pagpapakinis ng daan at ang pagpapalaki ng mga sidewalks nito na may kasama na ring bike lanes.
Pinondohan ito ng ₱2.5 Billion mula sa natirang budget sa EDSA rehabilitation.
Origihinal kasing may pondong ₱17 Billion ang EDSA rehabilitation noong termino ni Former DPWH Secretary Manuel Bonoan, pero ang nagastos lang ng pumalit sakanyang kalihim na si Transportation Secretary na ngayon na si Secretary Vince Dizon ay ₱6 Billion lang. | via Maica Razon, Abante News
Lumipad patungong United States ang OPM Legend na si Jose Mari Chan sakay ng Philippine Airlines (PAL), patungong Los Angeles, California. Bahagi ito ng kanyang concert tour sa Amerika kung saan apat na estado sa US ang kanyang bibisitahin para sa mga nakatakdang pagtatanghal.
Matapos ang kanyang mga concert, agad siyang babalik sa Pilipinas dahil para sa kanya, ang Pasko ay panahon ng pagsasama-sama ng pamilya.
Bago sumakay ng eroplano, nagbigay muna siya ng pamaskong handog sa pamamagitan ng pag-awit ng isa sa kanyang mga sikat na komposisyong pamasko.
Pinabulaanan ng pamunuan ng New Bilibid Prison o NBP ang alegasyong pinagbabayad umano ang mga person deprived of liberty o PDL para sa kanilang suplay ng tubig.
Kailangang personal na dumalo si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa paglilitis ng kanyang kasong crimes against humanity sa International Criminal Court o ICC.
Isa na namang sensitibong balita!
Lumalakas ang panawagan para sa masusing imbestigasyon sa umano'y ilegal na pagtatapon ng mga pinacremate na hayop, matapos madiskubre ang mga panibagong dumping site.
Kinilala na ang siyam na nasawi sa pagbagsak ng isang private jet sa Florida, United States, kabilang ang technology entrepreneur na si Adam Robinson, 44, ang kanyang asawa at dalawa nilang batang anak, dalawang kaibigan, yaya ng mga bata, piloto at co-pilot.
Ayon sa mga paunang impormasyon, nakaranas umano ng matinding turbulence at pagyeyelo ang Learjet habang lumilipad sa napakababang temperatura. | via Nilou Dagos, Abante News
Courtesy: NYP and CNN
DOLE LAUNCHES 15/30 HOTLINE
Inilunsad ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang 15/30 Hotline bilang bagong paraan upang mas mapadali ang pag-access ng publiko sa mga serbisyo at tulong ng kagawaran.
Layunin nitong mapabilis ang pagtugon sa mga katanungan, reklamo, at hinaing ng mga manggagawa at employer sa buong bansa. | via Jille Sebandal, Bilyonaryo News Channel
‘SINAMPAL NA NAMAN TAYO NG KAHIRAPAN’
Viral ang pa-catering ni Small Laude sa The Heritage Memorial Park sa Taguig habang ginugunita ang Undas.
Natuwa ang ilang netizen sa bonggang setup, pero may iba ring kumuwestiyon sa handaan sa sementeryo.
Basahin: https://t.co/nwiIbYu5Q8