bf came home from work with fries. reheated them in the air fryer and laid down on the couch. bf squeezed himself next to me and we both dozed off. woke up to burnt fries.
hands down the best nap ever. 🙌🏼
‘NAPILITAN KAMING MAKISAMA SA KALAKARAN KAHIT LABAG SA AMING KALOOBAN’
Idiniin ng mag-asawang Sarah at Curlee Discaya ang ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ilang kongresista sa pagkakasangkot sa maanomalyang infrastructure projects ng ahensya.
Sa kanilang sworn statement, sinabi ni Discaya na naipit ang kanilang negosyo nang magsimulang makilala ang St. Gerrard Construction.
“Unti-unting nagsilapitan ang mga district engineers at mga regional directors ng DPWH at mga chiefs of staff ng mga mambabatas na nag-aalok ng mga proyektong sinasabi nilang pondo ng mambabatas,” saad ni Discaya sa kanilang sworn statement.
“Noong una, sinubukan naming labanan ang mga ito sa pamamagitan ng pagre-report sa DPWH [subalit] hindi sila natitinag. Sabi nila, dapat tanggapin namin ang realidad na dapat kaming magbayad sa mga mambabatas kung gusto naming magpatuloy na magkaroon ng projects sa gobyerno,” dagdag pa niya.
Kung ang nagnakaw ng de latang walang isang daang piso para sa gutom na pamilya ay nahuli at nakulong, anong parusa ang naghihintay at maaasahan nating mga mamamayan sa mga opisyal na bilyones ang kinurakot sa kaban ng bayan?