Ang pagboto ay hindi lang simpleng karapatan — responsibilidad ito sa sarili at kinabukasan ng bayan.
Recent events should have taught us that the people we place in power can either help build a nation or slowly destroy it.
Sana ngayon ay natauhan ka na hindi lang bilang isang pilipino kundi bilang isang tao. Piliin natin ang lider dahil sa kakayahan— hindi dahil sikat ang apelyido o malakas ang ingay ng pangalan. Huwag nating hayaang manaig ang bulag na paniniwala kaysa katotohanan dahil ang boto natin may bigat; bawat maling desisyon ng lider ay ordinaryong mamamayan ang unang nasasaktan.
Magparehistro. Makialam. Bumoto nang tama. Ang kinabukasan ng bansa nagsisimula sa isang responsableng desisyon sa balota.