"Siguro mali po kasi yung term na "wave". Wala pong bansa sa kahit saan sa mundo na iwewave ang virus. Ang tamang term po ay "ulul". Opo. Dalawang buwan na po tayong nag-uululan. Papasok na tayo sa pangatlong buwan ng ululan. Mga letse! ๐ค"
O sya, palakpalakan na lang natin ang mga frontliners. Palakasin na lang ang ating mga immune system. Maghugas lagi ng kamay. Magdasal.
At kung nasaan man kayo ngayon, stay safe na lang mga kababayan! ๐๐ป
#MassTestingNowPH
Imbes na igugol nyo ang oras sa pagkadismaya sa mga taong lumabas at nagsiksikan sa pampublikong lugar, ituon ninyo ang galit sa kawalan ng mass testing!
Kahit hindi lumabas ang mga tao, kung walang mass testing at contact tracing, hindi natin maipapanalo ang laban na ito.
Mas marami pa yata yung bilang ng mga taong lumabas mula nung Saturday hanggang ngayon kesa sa bilang ng mass testing na nagawa. Partida, 3 days pa lang yan. ๐คฆ๐ปโโ๏ธ
Kaya pakiusap, para kahit paano'y makita namin ang katwiran ng pag-iral ng batas, panagutin ninyo ang mga makapangyarihang nagkasala. Sa ganitong paraan, baka kaya pa naming paniwalain ang mga sarili namin na may hustisya sa ating bansa. ๐๐ป"
Iparamdam nyo naman sa amin ang kamay ng hustisya. Ipalasap nyo naman sa amin ang proteksyon ng batas. Sa kinakaharap nating krisis, walang wala na kami. Ubos na ubos na kami at patuloy nyo pang ninanakaw sa amin ang natitira naming dignidad.