SITWASYON SA SIARGAO ISLAND
Kuha ang mga litratong ito sa inspeksyong isinagawa ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Siargao Island, Surigao del Norte ngayong hapon, ika-17 ng Disyembre 2021.
Ang matinding pinsalang natamo ng isla ay resulta ng pananalasa ng Bagyong #OdettePH.
SIARGAO ISLAND MULA SA HIMPAPAWID
Kuha ang video na ito sa aerial survey na isinagawa ng PCG sakay ng Cessna Caravan 2081 para malaman ang lawak ng pinsalang iniwan ng Bagyong #OdettePH sa isa sa pinakasikat na isla ng Surigao del Norte ngayong araw, ika-17 ng Disyembre 2021.