ANNOUNCEMENT 🥳📣 I am now officially open for live portrait bookings! 🎨👩🏽🎨 I’m open for special events, weddings, birthdays, or any occasion you want to celebrate! 🫶🏽✨
For bookings and reservations, just shoot me a DM! 💌
Nakayapak na tumakbong papalapit sa kaniyang mga anak ang isang ama mula sa General Santos City nang salubungin niya ang mga ito matapos ang naramdamang magnitude 7.8 na lindol kahapon, June 8.
Sa video na kuha ni YouScooper Lindy, makikita ang isang lalaking nagmamadaling tumakbo habang umuuga pa ang ilang poste sa paligid.
Ayon kay Lindy, kapansin-pansin ding naka-shorts lamang ang lalaki at iisang tsinelas ang suot habang nagmamadaling niyakap at sinalubong ang kaniyang mga anak.
Kwento ni Lindy, nasa sasakyan siya kasama ang kaniyang anak nang makuhanan niya ng video ang paggalaw ng mga poste dahil sa lindol ngunit nahagip ng kaniyang camera ang tatay na tumatakbo papalapit sa mga bata. Komento pa ng isang netizen, “How lucky these kids are for a father who will run barefoot to check on them..🥹”. #YouScoop
Courtesy: YouScooper Lindy Lee