Isa si Magat sa mga nanguna sa ginanap na People's Rally sa Calumpit, Bulacan ngayong Linggo, Setyembre 20, para kundenahin ang korapsiyon at manawagan sa mabilis na tugon sa problema ng kanilang bayan sa baha.
"LAHAT NG PAGLAYA AY GALING SA PAKIKIBAKA"
Hinikayat ni Zul Kifli Magat ng Tindig Kalumpitenyo ang mga kabataan na gamitin ang kanilang boses para lumaban, dahil aniya'y pagkakataon na nila ito upang huwag ulitin ang pagkakamali ng mas matatandang henerasyon. @ABSCBNNews
Nagsindi ng kandila ang mga dumalo sa People's Rally sa Calumpit, Bulacan bilang simbolo ng panawagan para sa hustisya at pagtindig sa mga Calumpiteñong nawalan ng mga mahal sa buhay, kabuhayan, at tahanan dahil sa lumalalang sitwasyon ng kanilang bayan sa baha. @ABSCBNNews
PANOORIN: Magkakasamang sinunog ng mga Calumpiteño ang effigy ng buwayang simbolo ng tiwaling opisyal sa isang pagkilos sa Calumpit, Bulacan ngayong Linggo, Setyembre 20. @ABSCBNNews
Nagsagawa ng fluvial parade paikot sa Bagbag River ang mga residente ng Calumpit, Bulacan, isang simbolikong protesta para ipanawagan ang pananagutan kaugnay ng ghost flood control projects sa kanilang bayan ngayong Linggo, Setyembre 20. @ABSCBNNews
Isang malaking effigy ng buwayang may hawak na maleta, na simbolo ng korap na politiko, ang nakatakdang sunugin sa People's Rally kaugnay ng pagkundena ng mga residente sa katiwalian sa kanilang distrito sa Calumpit, Bulacan ngayong Linggo, Setyembre 20. @ABSCBNNews
'MANAGOT ANG DAPAT MANAGOT'
Nagtipon-tipon ang mga residente ng Calumpit, Bulacan sa Calumpit Linear Park para sa nakatakdang programa bilang pagkundena sa korapsiyon at panawagan sa pananagutan kaugnay ng flood control scam ngayong Linggo, Sept. 20. @ABSCBNNews
Kasama si Ponce at mga taong simbahan sa isinagawang pagkilos ngayong araw, Setyembre 20, upang ipanawagan ang pagpapanagot sa mga sangkot sa katiwalian sa flood control projects. @ABSCBNNews
"GANYAN BA IIKOT ANG HUSTISYA SA PILIPINAS?"
Naniniwala si Rdo. P. Jose Rodel Ponce, rektor at kura paroko ng Pambansang Dambana at Parokya ni Santa Ana sa Hagonoy, Bulacan, na hanggang ngayon ay wala pa ring totoong "malaking isda" na nahuhuli kaugnay ng flood control scam.
PROTESTA SA GITNA NG BAHA
Sa kabila ng abot-binting high tide, ipinagpatuloy ng mga residente ng Hagonoy, Bulacan ang kanilang pagkilos para ipanawagan ang kanilang lumalalang problema sa baha at tumindig laban sa korapsiyon nitong Linggo, Setyembre 20. @ABSCBNNews
Kasama ang mga residente mula sa iba't ibang sektor, nagkasa ng isang community walk ang grupo upang markahan ang kanilang unang taong anibersaryo ng pagkakatatag mula nang maisiwalat ang isyu sa flood control projects sa lalawigan eksaktong isang taon ngayong araw. @ABSCBNNews
"MAMILI TAYO NG MGA TAMANG LIDER, NG MGA PINUNONG MAY MALASAKIT"
Binigyang-diin ni Tindig Hagonoy Pres. Renato Dela Cruz ang kahalagahan ng pagpili sa mga tamang lider na may malasakit aniya sa mga mamamayan sa isinagawang pagkilos nitong Linggo, Sept. 20, sa Hagonoy, Bulacan.
'SAWA NA KAMI SA BAHA'
Nakiisa ang mga kabataan sa pagbitbit ng mga panawagan laban sa lumalalang problema sa baha ng bayan ng Hagonoy, Bulacan kasabay ng community walk bilang pagtutol sa korapsyon ngayong Linggo, Setyembre 20. @ABSCBNNews
Nagkasa ng community walk ang mga residente ng Hagonoy, Bulacan upang markahan ang unang taong anibersaryo ng grupong Tindig Hagonoy bitbit ang panawagan para sa pagpapanagot ng mga opisyal na sangkot sa flood control scam sa lalawigan nitong Linggo, Setyembre 10. @ABSCBNNews
BIGATIN!
In a TikTok clip shared by television host Keltie Knight, Pinay tennis star Alex Eala was seen sitting next to Vogue’s Anna Wintour.
Read more: https://t.co/x5l7C6A5CG
The North Korean women’s football team was far too hot to handle as they kicked off their Asian Games campaign with a 10-0 win over Bangladesh.
Full story: https://t.co/qOfFYT4uXf
"KASI KAMI HO MERON"
Masaya si Senator-judge Pia Cayetano para kay ex-Sandiganbayan presiding judge Amparo Cabotaje-Tang dahil hindi siya nakatatanggap ng mga pagbabanta at intimidasyon—kaiba sa aniya'y nararanasan ng ilang senador.
Gilas Pilipinas failed to break through the great wall of the Chinese foe during the group stage of the Asian Games 2026 men’s 5x5 basketball, ending the country’s hopes for title retention.
Read more: https://t.co/wo1TnrAEEa
Photos and videos of Australian athlete Joanna Wietrzyk with soiled legs and shoes have been circulating online, causing an outcry on social media.
Read: https://t.co/sjG6EYdhWN