CHALLENGE ACCEPTED ๐ช
Nagpapasalamat tayo sa ating mga kasamahan sa Senado sa muling pagtitiwala na pamunuan natin ang Senate Committee on Justice and Human Rights.
Bilang abogado at mambabatas, batid natin ang bigat ng tungkuling tiyakin na ang hustisya ay mabilis, pantay, at abot ng lahat.
Noong ating unang termino bilang Chair noong 2001 hanggang 2004, nakapagsulong tayo ng mahahalagang reporma:
โ Dinoble ang sweldo at benepisyo ng mga miyembro ng hudikatura (RA 9227)
โ Dinagdagan ang allowance ng mga prosecutor at DOJ staff (RA 10071)
โ Nadagdagan ng P3 bilyon ang pondo ng hudikatura sa pamamagitan ng JELACC
Ngayon, handa tayong ipagpatuloy ang laban para sa mas matibay na hudikatura, mas epektibong sistema ng hustisya, at mas matatag na proteksyon sa karapatang pantaoโmga repormang magpapalapit ng hustisya sa bawat Pilipino. ๐ต๐ญโ๏ธ
AKO PO SI KIKO PANGILINAN, TUMATAKBO PARA SA MGA NANINIWALA NA MAY PAG-ASA PA ANG PILIPINAS! ๐ต๐ญ
Tapos na ang 90 araw ng kampanya, at sa kabila ng pagod, luha, at pawis, ginagawa natin ito dahil naniniwala tayo sa mas magandang kinabukasan para sa ating mga anak. ๐
Sa huling araw ng kampanya, nais kong magpasalamat sa inyong lahat. Sa aking asawa, si Sharon, sa aming mga anak, sa Barangay Pangilinan, Team Kiko, at sa ating mga volunteersโkayo ang puso at diwa ng ating kampanya para sa tapat at totoong pamamahala, at mas abot-kaya at masustansyang pagkain sa bawat hapag ng pamilyang Pilipino. ๐
Ako po si Kiko Pangilinan, tumatakbo para sa mga naniniwala na may pag-asa pa ang Pilipinas. Tumatakbo tayo para patunayan na pwedeng manalo ang lumalaban nang patas at hindi magnanakaw. Maraming salamat, Pilipinas! Sama-sama natin ipanalo ang tama! ๐ต๐ญ
Pero kapag ang mga aktibista, human rights defender, katutubo, o volunteer teacher ang sinasampahan ng mga gawa-gawang kaso, agad na pinoposasan, kinakaladkad, at binubugbog.