Sarap lang din isipin na dati rati pinapangarap mo lang makarating sa mga lugar na nakikita mo sa ref magnet na nakadikit sa ref ng tropa mo. Ngayon isa-isa mo na nararating yung mga bansa na yon.
‘Yan hirap sa mga taong “matalino masyado” e. Sa sobrang talino, di na marunong tumanggap ng komento, suhestyon, at mungkahi. Dahil pakiramdam nila, sila palagi ang “tama”.
Kahit ano namang bwisit ko at sama ng ugali ko, never ko naman pinagsalitaan at sasagut-sagutin yung Nanay ko. Magulang ko pa rin yon. Maling-mali na sagutin mo sila. Pwede siguro mag-explain ka sa tamang tono at pag gamit ng salita. Pero wag na wag mo sagutin.
Nakakalungkot lang, madalas kung sino pa yung mismong pamilya mo sila pa yung walang tiwala sa pangarap mo. Yung sila dapat yung una mong sandalang magpapatatag sayo pero sila pa yung walang suporta sa kakayahan mo.