HINDI LAHAT NG LABAN, NAKIKITA
Sa World Mental Health Day, mahalagang bigyang-puwang ang mga usapin tungkol sa mental health, bawasan ang stigma, at pakinggan ang mga taong may lived experience upang mas maging makatao at responsive ang mga serbisyong pangkalusugan.
#BMPM
Sa World Homeless Day, paalala na ang pagtugon sa homelessness ay nangangailangan hindi lamang ng pansamantalang tulong kundi ng pangmatagalang solusyon para sa pabahay, kabuhayan, at suporta sa mga nangangailangan.
#BMPM
SAVE THE MOUNTAINS, PROTECT THE FUTURE
Mula sa kagubatan at biodiversity hanggang sa mga komunidad na nakapaligid dito, marami ang umaasa sa Sierra Madre. Sa bawat puno at kagubatang napoprotektahan, may likas na yaman at buhay na napapangalagaan.
#BMPM
Sa World Maritime Day, kinikilala ang ambag ng mga seafarer at iba pang nagtatrabaho sa industriya habang binibigyang-diin ang kahalagahan ng ligtas, maayos, at responsableng maritime transport
#BMPM
Sa International Day of Sign Languages, paalala na ang mas inklusibong lipunan ay nagsisimula sa pag-unawa at pagbibigay ng access sa paraan ng komunikasyon ng bawat isa.
#BMPM
Sa paggunita ng ika-54 na anibersaryo ng pagdeklara ng martial law, mahalagang balikan ang mga nangyari, pakinggan ang mga alaala ng mga nakaranas nito, at kilalanin ang halaga ng malayang pamamahayag, karapatang pantao, at pakikilahok ng mamamayan sa paglaban para sa demokrasya.
FIRST LOVE NEVER DIES?
Isang kanta, lumang litrato, lugar, o pangalan lang ang minsan kailangan para bumalik ang buong memory. Sa First Love Day, sino ang unang taong nagpatibok ng puso mo at nagturo sayo kung ano ang tunay na kilig?
#BMPM
EQUAL WORK DESERVES EQUAL PAY
Ngayong International Equal Pay Day, paalala na ang pagkakapantay-pantay sa trabaho ay dapat makita hindi lamang sa oportunidad, kundi pati sa patas na kompensasyon at pagkilala sa kontribusyon ng bawat isa.
#BMPM
MALAYANG PAMAMAHAYAG, MATATAG NA DEMOKRASYA
Sa #NationalPressFreedomDay, binibigyang-diin ang mahalagang papel ng malayang pamamahayag sa pagbibigay ng impormasyon, pagbabantay sa kapangyarihan, at pagbibigay-boses sa publiko.
#BMPM
Sa paggunita sa International Day of the World's Indigenous Peoples, kinikilala ang mayamang kultura, wika, tradisyon, at kaalaman ng mga Katutubo sa buong mundo. Mahalaga rin ang patuloy na pagsusulong ng kanilang mga karapatan, dignidad, at partisipasyon sa Lipunan.
#BMPM
TINY PAWS, BIG HAPPINESS
Mula sa maliliit na "meow" hanggang sa malalambot na yakap at makukulit na kalokohan, mas masaya ang bahay kapag may pusang gumagala. Happy International Cat Day sa ating paboritong fur babies!
#BMPM
May mga usapang nagsisimula sa "isang bote lang" pero nauuwi sa mahahabang kwentuhan. Sa International Beer Day, ipagdiwang ang samahan at responsableng pag-inom.
#BMPM
Sa paggunita sa International Childfree Day, kinikilala ang karapatan ng bawat tao na gumawa ng sariling desisyon tungkol sa pagkakaroon o hindi pagkakaroon ng anak, nang may paggalang sa iba't ibang pananaw at pagpili sa buhay.
#BMPM
Sa National Lung Month, binibigyang-pansin ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalusugan ng baga sa pamamagitan ng pag-iwas sa paninigarilyo, polusyon, at iba pang panganib na maaaring magdulot ng sakit sa paghinga.
#BMPM
Bilang paggunita sa Sight Saving Month, hinihikayat ang publiko na magkaroon ng regular na eye checkup at pangalagaan ang kalusugan ng mata. Ang maagang pagtukoy sa mga kondisyon sa paningin ay mahalaga upang maiwasan ang permanenteng pagkawala nito.
#BMPM
Sa paggunita sa ASEAN Month, kinikilala ang pagtutulungan ng mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa pagsusulong ng kapayapaan, kaunlaran, at pagkakaisa sa rehiyon.
#BMPM
Sa paggunita sa Buwan ng Kasaysayan, binibigyang-halaga ang mga pangyayari, personalidad, at aral ng nakaraan na humubog sa bansa. Ang pag-unawa sa kasaysayan ay mahalaga upang mas mapahalagahan ang kasalukuyan at mas mapaghandaan ang hinaharap.
#BMPM
WIKA ANG ATING PAGKAKAKILANLAN π΅π
Ang bawat salita ay may kasaysayan at kultura. Sa Buwan ng Wikang Pambansa, ipinagdiriwang ang yaman ng wikang Filipino at ang iba't ibang katutubong wika na patuloy na nagbibigay-buhay sa ating pagka-Pilipino.
#BMPM
Ang July 17 ay ang Day of International Criminal Justice. Layunin nitong bigyang-diin ang kahalagahan ng pananagutan, rule of law, at pandaigdigang kooperasyon sa pagtugon sa pinakamabibigat na krimen tulad ng genocide, crimes against humanity, war crimes, at crime of aggression.