Gabriela Women’s Party has shared a post about the current issue in @PBBabscbn involving Gehlee and the male housemates:
#WomenAreNotTrophies
Nakababahala ang mga usapang narinig sa loob ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab 3.0 tungkol sa umano’y “Dinosaur Issue.” Sa mga pahayag ng ilang housemates, ginawang tila laro o paligsahan ang isang “Dinosaur,” na iniuugnay kay Gehlee.
𝑯𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒕𝒓𝒐𝒑𝒆𝒐, 𝒑𝒓𝒆𝒎𝒚𝒐, 𝒐 𝒑𝒂𝒈-𝒂𝒂𝒓𝒊 𝒏𝒈 𝒔𝒊𝒏𝒖𝒎𝒂𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝒊𝒔𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒃𝒂𝒆. 𝑴𝒂𝒚 𝒔𝒂𝒓𝒊𝒍𝒊 𝒔𝒊𝒚𝒂𝒏𝒈 𝒅𝒂𝒎𝒅𝒂𝒎𝒊𝒏, 𝒑𝒂𝒈𝒑𝒂𝒑𝒂𝒔𝒚𝒂, 𝒂𝒕 𝒌𝒂𝒓𝒂𝒑𝒂𝒕𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒈𝒕𝒂𝒌𝒅𝒂 𝒌𝒖𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒂𝒏𝒐 𝒔𝒊𝒚𝒂 𝒅𝒂𝒑𝒂𝒕 𝒕𝒓𝒂𝒕𝒖𝒉𝒊𝒏.
Ang ganitong mga usapan ay nagpapakita kung paano nagiging normal ang pagtrato sa kababaihan bilang bagay na pinag-aagawan, pinagtatalunan, o ginagawang sukatan ng tagumpay ng kalalakihan. Hindi nakakatuwa ang mga birong nagbababa sa pagkatao ng isang babae at ginagawa siyang paksa ng kompetisyon.
Nanawagan tayo sa PBB management na linawin ang “Dinosaur Issue,” siyasatin ang konteksto ng mga usapang ito, at tiyaking may pananagutan at pagtalakay sa respeto, consent, at karapatan ng bawat housemate sa sariling pagpapasya. Mahalaga ring marinig ang panig ni Gehlee at igalang ang kaniyang saloobin sa isyu.
𝑯𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒍𝒂𝒓𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒅𝒊𝒈𝒏𝒊𝒅𝒂𝒅 𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒃𝒂𝒃𝒂𝒊𝒉𝒂𝒏. 𝑮𝒆𝒉𝒍𝒆𝒆 𝒅𝒆𝒔𝒆𝒓𝒗𝒆𝒔 𝒓𝒆𝒔𝒑𝒆𝒄𝒕, 𝒏𝒐𝒕 𝒕𝒐 𝒃𝒆 𝒕𝒓𝒆𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒂𝒔 𝒂 𝒑𝒓𝒊𝒛𝒆 𝒊𝒏 𝒂𝒏𝒚𝒐𝒏𝒆’𝒔 𝒈𝒂𝒎𝒆.
First trailer for ‘ONE LAST ORDER’.
The documentary follows a drive-thru worker on her final day of work after 34 years. While she expects a quiet farewell, her town has other plans.
Releasing November 24 on Netflix.
𝗞𝗔𝗠𝗣𝗜𝗛𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗦𝗜𝗕𝗨 𝗔𝗧 𝗛𝗨𝗪𝗔𝗚 𝗗𝗔𝗛𝗔𝗦𝗜𝗡
Bakit kailangang ipagtanggol ng mga magsasakang taga-Kasibu, Nueva Vizcaya ang kanilang mga sarili, lupain, at kabuhayan laban sa mga awtoridad na dapat sana’y nagpoprotekta sa kanila?
Kaisa tayo ng mga magpapalay, magmamais, at mga magsasaka ng sari-saring gulay at prutas sa pagprotekta ng kanilang mga tahanan, kabuhayan, at pinagkukunan ng tubig (water sources). Kaisa tayo sa kanilang pagtutol sa mineral exploration na sisira sa mga tanimang lupa para gawing minahan. Kaisa tayo sa laban para sa kinabukasan nilang nagpapakain sa atin at sa kinabukasan nating lahat na pinapakain nila.
Halos anim na buwan na silang nagbabarikada para igiit ang pananagutan sa likod ng exploration permit na kinukuwestiyon nila dahil sa proseso ng konsultasyon at pagkilala sa kanilang mga karapatan sa lupa. Nagkaroon ba ng tunay na free, prior, and informed consent?
Pagkampi sa kanila — hindi dahas, pag-aresto, o pananakot — ang dapat nilang matanggap sa mga awtoridad.
Dapat tandaan ng kapulisan na tungkulin nilang protektahan ang karaniwang mamamayan, hindi ang interes ng mga korporasyon na pipinsala sa mga tao at pagkain. Dapat tiyakin ng mga hukuman na naririnig ang lehitimong hinaing ng mga residenteng magsasaka at tampok ang mahahalagang usapin tungkol sa pagmamay-ari ng lupa at pangangalaga sa kalikasan. Ang DENR naman ay dapat maging tunay na tagapangalaga ng ating likas na yaman at ng mga komunidad na umaasa rito, hindi basta tagapag-apruba ng mga permit sa pagmimina — na hindi naman lisensiya para yurakan ang karapatan ng karaniwang Pilipino.
Ang kagyat nating panawagan sa DILG at sa pamunuan ng Philippine National Police: Itigil ang paggamit ng dahas laban sa mga taga-Kasibu. Igalang ang kanilang mga karapatan. At tiyakin ang kaligtasan nila at ng kanilang mga pananim at lupain.
Hindi matatawag na kaunlaran ang proyektong nagtataboy sa mga mamamayan sa sarili nilang lupain o sisira sa mga pananim na kinakain natin.
Hindi kaaway ang mga magsasaka ng Kasibu. Sila at ang kanilang mga kabuhayan ang dapat pinoprotektahan ng mga alagad ng batas.
Ngayong Nov. 16 ay bibisita sa Pilipinas si Trump and malaki ang posibilidad na pipirmahan na ang Pax Silica Agreement.
Sana kung gaano tayo ka-invested sa mga showbiz ganaps ay mas invested tayo sa nangyayari sa bansa natin.
#NoToPaxSilica#TrumpOut
I know I may not be a big account, but I'm certainly not a small one either. With 1.4K followers, I want to use this platform to speak up about the issues currently happening in my country, the Philippines.
#TrumpOut#RejectPaxSilica#TutulanAngLEC
keep your heads up straight, keep your eyes wide openn to what is happening in our country! kung hindi pa kayo galit, bakit?????!!!
#NoToPaxSilica#TrumpOut#TutulanAngLEC
PLEASE READ‼️
On November 16th Trump will be visiting the Philippines to finally sign Pax Silica. This is a data center that'll takeover 1,2620 hectares. That is a size of 38 mall of asias. It'll be built over agricultural and indigenous lands.
#RejectPaxSilica#TrumpOut
Lend your voices!
Trump is coming to our country this November 16 to sign and finalize the Pax Silica initiative. They plan to exploit our resources for processing in other countries abroad, and they will displace thousands of natives. Please share!
#TrumpOut#NoToPaxSilica