ANONG BASURA NA EBIDENSYA YAN NA MAY PICTURE?
Puro pasaring. Puro alegasyon. Puro palabas.
At dahil dinamay niyo pa ang pamilya ko, makakatikim kayo ng hindi pasaring, alegasyon, o palabas na kaso sa korte. Pananagutan ninyo ang paninirang ginagawa niyo.
Absolute disrespect for the Filipino people. What entitlement.
Mag-boycott tayo.
Huwag mag trabaho.
Hayaan natin ang mga nakabinbing panukala.
Mga senador, binabayaran kayo ng taumbayan. Pambabastos ito sa Pilipino.
Sorry,
Hindi ko kayang pasalamatan ka kung personal mong desisyon na huwag kang kumuha ng sweldo.
Ano ka, hilo?
Sobrang entitled lang na parang utang na loob pa ng bayan na βnagsakripisyoβ ka dahil hindi ka raw susweldo.
Hindi kaya na-advance mo na, kasama na ang retirement, at may sobra pa?
Hiniya mo naman lahat ng auditor ng PDAF at imbestigador ng Ombudsman sa sinasabi mong prinsipyo na handa mong panindigan.
Nakikiusap lang ako: matagal ka nang wala sa pinilakang tabing. Hindi bagay ang acting!
Grabe. Ang pinakasukdulan talaga ay yung tangang mayabang.
Maipasok lang ang sariling katwiran, gagamitin na ang batas na parang goma β iuunat, pipilipitin, babaluktutin β para lang mapaboto ang katotong pinaghahanap ng hustisya.
Sorry, patola ako ngayon, kasi hindi ko talaga kayang unawain kung bakit tayo nagbabayad ng buwis para paswelduhin ang mga ganito.
Hindi na nga sumusunod sa batas, ipinagyayabang pa ang kamangmangan. Excuse po ba sila sa Constitution? May special lane ba ang katangahan sa Senado?
Indeed, the punishment of wise men is to be ruled by unwise men. Pero marami sila, kaya βmenβ na rin. Collective noun na yata ang kabobohan.
At kung maiinis kayo dahil kesyo nagmamarunong ako, i-block nβyo na ako. Walang pilitan dito. Hindi ko obligasyong gawing daycare ang wall ko para sa mga allergic sa common sense.
Hindi tayo uunlad sa ganitong klaseng pag-iisip: yung mali na nga, ipinipilit pa; yung batas na nga, ginagawang suggestion; yung accountability na nga, ginagawang favor sa tropa.
Kaya please, trolls at DDS, huwag muna kayong magtambay sa wall ko. Bad trip ako today. π‘