careful who you share your news to. not everyone wishes you well ! sad but thats the truth. share it with ppl who you know are on YOUR team. their energy is what you need. real friends will help you see through a dream and not doubt it’s manifestation.
KALABAN NI MAYOR VICO SOTTO SA PASIG, HAWAK ANG MIRU AT 2025 ELECTIONS?
Sa isang bombshell na panayam, sinabi ni Mayor Vico Sotto ang mga pangamba nya laban sa kalaban nya sa pagka Mayor ng Pasig - si Sara Discaya.
Kwinento ni Mayor Vico sa isang interview na pinagmamalaki ng mga tauhan ni Discaya na “hawak” nila ang Miru at COMELEC.
Sabi ni Mayor Vico:
“Imagine being a financier contracting party for COMELEC’s automated elections and running in the same elections.
The fact is St. Timothy is or was a part of the joint venture.
Mga leaders nila pinagmamalaki nila, sinasabi nila hawak namin yung Miru sa COMELEC.”
May punto si Mayor Vico - klarong klaro na may conflict of interest and danger ang pagtakbo ni Discaya na dating local partner ng Miru Systems sa pagpapatakbo ng 2025 Elections.
Parte sila ng kontrata. Nakita nila mga dokumento. Alam nila yung technology behind the voting machines. Kilala nila mga tao sa Miru.
Kaya hindi ako nagtataka kung pinagmamayabang nga ng mga coordinators or leaders ni Discaya na “hawak nila ang Miru at COMELEC.”
Nakakatakot eto. Dapat linawin ng COMELEC ang isyu na eto at kundenahin ang mga Discaya.
Dapat din talagang i review na ang kontrata ng COMELEC with Miru Systems dahil ngayong nag pull out ang St. Timothys, kwestyonable kung kaya pa nilang i deliver yung responsibilities nila sa 2025 Automated National and Local Elections - napilayan na sila dahil isa sa mga financier at logistical arm nila eh nag pull out dahil tatakbo sa Pasig Mayoralty.
Sobrang natabunan etong balita at interview na eto sa dami ng mga artista at political dynasties na nag file ng CoCs last week.
Pero kelangan nating tutukan at makialam dito. Sana, mas may konkretong hakbang pang gawin si Mayor Vico tulad ng pag file ng disqualification or cancellation of CoC laban sa mga Discaya at pag question sa kontrata ng COMELEC at Miru Systems.
Sana mali si Mayor Vico at hindi magkatototoo mga pinapangamba nya. Pero mukhang tama sya…
#Halalan2025
#MayorVico