Nalulunod ako sa sariling luha ako. Nakatali ako sa sariling pagkakagapos ko. Nakabaon ako sa sariling hukay ko. Nakakulong ako sa sariling kalungkutan ko. Nakapiring ako sa dilim ng buhay ko. Wala bang bago? Wala bang iba?
Gusto kong iangat sarili ko kahit nadadag-anan na ako. Gusto kong iangat sarili ko kahit may mga mabibigat na nakapasan sa likod ko. Gusto kong iangat sarili ko kahit parang lahat ng pabigat ay nasa balikat ko. Gusto ko iangat sarili ko.
Kumpleto ang pamilya ko pero parang bakit mag-isa ako. Ayoko nang ganto. Pwede bang umayaw? Pwede bang huminto? Pwede bang ibalik ang nakaraan. Para naman makaiwas ako. Nakakasawa kasi. Nakakabagot. Nakakapanghinayang. Kahit sa totoo lang di naman talaga sayang.
Para akong nasa madilim na kuweba na di ko alam kung hanggang saan ang dulo. Minsan para akong nasa bangin na di ko alam kung paano aakyat. Minsan naman para akong buhawi na paikot-ikot lang na parang walang hinto. Paulit-ulit. Pabalik-balik. Nakakahilo.
Gusto kong maranasang tumawa. Yung tunay na tawa. Ang dami kong gustong ayusin. Ang dami kong gustong palitan. Ang dami kong gustong tanggalin at ang dami kong gustong ibalik.
Na tipong maging ang sarili ko ay di ko na din maintindihan. Malungkot ako pero masaya. Palakaibigan ako pero mag-isa. Palatawa ako pero di ko mapatawa ang sarili ko. Bakit parang hirap ako. Bakit di ko mapatawa ang sarili ko. Ang puso ko.
Naninikip yung dibdib ko ngunit nakakahinga ako. Gusto kong humingi ng saklolo ngunit di ko alam kung paano at kanino. Gusto kong sampalin yung sarili ko. Gusto kong tanungin sarili. Gusto kong malaman ang sagot sa mga tanong ko. Pero ang gulo.