Ang hirap ng pagiging breadwinner. Kahit nasa europe na ko at tumaas income, gusto ko bumili ng bagong phone kahit midrange lang di ko padin magawa. Lifestyle ng mahal ko sa buhay ang tumaas pero pangarap ko di ko padin maabot.
Mas gusto ko magkwento dito sa X(pero twitter padin tawag ko) kasi as introvert mas gusto ko eexpress sarili ko sa kunti lang ang audience dahil may takot padin sa rejection o bad comments.
At dahil dun takot na ko magsalita, palagi ko iniisip na if mali yung masabi ko is gagawin ulit sakin yun. Nadala ko yun hanggang high school, takot ako sa pwede gawin sakin ng teacher at ipatawag guardian ko if may gawin ako mali kaya kahit binubully ako di ako lumalaban.
Trending ngayon yung teacher na nagalit sa mga estudyante at nilive ang sermon. Hindi sa pagiinarte pero lumaki ako na takot na takot sa mga terror na teacher at nanumbalik yung parang trauma
Kaya siguro additional factor yung pagiging introvert ko.
Elementary ako noong maranasan ang physical na disiplina like pinadipa na may libro sa kamay at pinatayo sa buong isang oras ng subject dahil lang hindi ko masagot ang tanong sa recitation. Pinakakatrauma na nangyari is lumuhod sa munggo dahil sa maingay o makulit ako.