IMPORTANT READ: Pax Silica, solusyon tungong industriyalisasyon?
Habang naghihirap ang libo-libong magsasaka dulot ng malawakang pyudalismo sa bansa, plano pang ibigay ng gobyerno ang higit kumulang 4,000 ektarya ng lupain sa Tarlac at mga natural resources upang gamitin ng Imperyalistang US sa pagpapalawig hindi lamang ng base militar nito kundi upang ipangsangkalan tayo sa gera sa pagitan nila at ng China.
Tinatayang bilyong dolyar ang ilalaan ng mga kasaping bansa gaya ng Estados Unidos, Israel, at South Korea upang iproseso ang mga mineral sa Pilipinas para sa seguridad ng global supply chain nila kontra Tsina.
Imbes nang magamit ang produksyon, teknolohiya, at natural na mga kayamanan ng Pilipinas para sa pampublikong kalusugan, edukasyon, at pagsusuri upang mapatibay ang kakayahan nating bumangon sa iba't ibang krisis ng panahon at kalamidad, eksploytasyon, pagkasira ng kalikasan, at lalong pagtaas ng kuryente kasabay ng pagbaba ng supply ng tubig pa ang magiging epekto nito.
Walang magandang dulot ang Pax Silica sa mga ordinaryong pilipino lalo na sa mga babaeng pesante na bukod sa mawawalan na naman ng lupang tatamnan, maaagawan pa ng badyet na maaaring gamitin upang i-modernisa ang kagamitan sa pagsasaka at suportahan ang lokal na produksyon. Hindi matutugnan ang mga panlipunang pangangailangan tulad ng healthcare, edukasyon, transportasyon, mababang sahod, matataas na bilihin, at krisis sa langis. Wala ring magandang dulot ito sa kabuhayan ng masang anakpawis dahil lalo lamang masisira ang kalikasan na siyang magpapahina lalo ng ating sistemang paggawa at pang-agrikultura.
Kung totoong layunin ng gobyerno ang industriyalisasyon, bakit hindi na lang nila direktang suportahan at pondohan ang mga research ng lokal na siyentista at agrikulturista ng bansa? Bakit hindi na lang nila bigyan ng sapat na badyet ang mga manggagawa at magsasaka imbes nang umasa na naman sa dayuhan para sa sarili nating produksyon at kabuhayan?
Nananawagan kami sa kapwa namin kabataan at sa mga siyentista ng bayan na tutulan ang makabagong panghihimasok ng US sa produksyon, ekonomiya, at industriyalisasyon ng Pilipinas.
US TROOPS OUT NOW!
ISULONG ANG MAKABAYAN AT SIYENTIPIKONG PANANALIKSIK NG MGA PILIPINO, PARA SA PILIPINO!
IMPERYALISMO, IBAGSAK!
#NoToPaxSilica
#RejectUSWarMachine
#IPBKIbagsak
kung gaano tayo galit na galit sa DPWH @DPWHph dahil sa flood control scandal...
mukhang dapat magalit din tayo sa DENR @DENROfficial sa pambababoy sa kalikasan...
Kuddos to Nutribun Republic! Sobrang ganda ng mensahe para kay Angel Locsin.
Isang patunay na ang legacy ni Angel hindi makakalimutan ng kahit sino man. Isang pangalan na kapag nabanggit mo kakabit ang pagmamalasakit sa kapwa.
kung walang camera, wala rin aksyon?
kung kinailangan pang mailantad sa buong bansa ang pagdurusa ng mga Aeta bago umaksyon ang pamahalaan, hindi ito serbisyo publiko. isa itong lantad na larawan ng estadong kumikilos lamang kapag napipilitang managot sa harap ng mamamayan.
lahat naman ng athletes who make it big internationally do this when they come home. Regardless of anyone's political stance, syempre sign of respect pa rin yan sa current President. Ano naman gusto nyo? Mag-atechona si accla at di pumunta? 😂