Tuloy-tuloy ang ating mga hakbang upang tuldukan ang kahirapan sa bansa.
Bahagi nito ang pagtalaga natin kay G. Larry Gadon bilang Presidential Adviser for Poverty Alleviation. Tiwala tayo na ang kanyang karanasan at kakayahan ay makatutulong sa pagtukoy sa mga pangangailangan ng ating mga kababayan.
Epektibong social services para sa ating mga kababayan katuwang ang mga lokal na pamahalaan!
Binigyang-pansin natin ang pagsasaayos ng Anti-Poverty Action Agenda ng administrasyon para sa kapakanan ng mga kababayan nating lubos na nangangailangan sa unang miting ng National Anti-Poverty Commission ngayong araw. Sa pamamagitan ng whole-of-government approach, layunin nating matugunan ang kahirapan sa bansa.
Mas pinaigting na suporta para sa ating mga innovator sa bansa!
Inaprubahan natin ang National Innovation Agenda and Strategy Document (NIASD) sa miting kasama ang National Innovation Council kahapon. Sa tulong ng NIASD, makabubuo tayo ng isang Pilipinas na itinataguyod ang inobasyon ng bawat sektor.
Binabati rin natin ang mga bagong executive member ng NIC. Sama-sama nating bigyang-kakayahan ang ating mga innovator na tuparin ang kanilang mga ideya para sa bagong produkto at serbisyong mapakikinabangan ng mga Pilipino.
Malipayong ika-56 nga anibersayo, Davao del Sur!
Nitong umaga, ating binigyang-pugay ang mga residente at lokal na pamahalaan ng Davao del Sur sa patuloy na pag-unlad at ang pagiging kauna-unahang insurgency-free ng lalawigan sa rehiyon ng Davao.
Maaasahan ng probinsya ang ating suporta, lalo na sa kanilang mga inisyatibo para sa patuloy na kapayapaan at pagbibigay ng maginhawang buhay sa ating mga mamamayan.
Saludo tayo sa ating mga healthcare worker na patuloy tayong pinabibilib sa kanilang pambihirang tapang, husay, at masalakit!
Kahapon, personal nating pinasalamatan si Ms. May Richell Cestina-Parsons na kilala sa buong mundo bilang kauna-unahang nag-administer ng Pfizer-BioNTech COVID-19 noong December 2020. Bilang pagpaparangal sa kanyang kontribusyon, isang Presidential Citation ang ating iginawad upang magsilbing inspirasyon sa bawat Pilipino saan man sa mundo.
Para sa isang luntian at mas malusog na kagubatan ng bansa!
Sa sabay na pagdiriwang ng Philippine Forestry Service at Philippine Environment Month at Arbor Day (National Tree Planting Day), tayoโy nagtanim ng isang Molave Tree sa Environmental Heroes Park ng DENR bilang ating pakikiisa at pagsusulong sa kahalagahan ng pagtatanim at pangangalaga sa ating kagubatan.
Sa panayam ng News5 kay dating pangulong Rodrigo Duterte, pinuri niya ang pamumuno ni Pres. Bongbong Marcos. Aniya, "good" o maayos ang pamamalakad ng kasalukuyang administrasyon sa bansa. #News5
Mas malakas na proteksyon at mas mahusay na kakayahan ng ating mga seafarers!
Layunin nating manatiling โSeafaring Capital of the World,โ kaya naman inihahanda natin ang industriya at mga manggagawa nito, partikular na sa pagdating at paggamit ng makabagong teknolohiya kasama ang green fuel sources sa mga barko. Bukod dito, nilinaw din natin sa Seafarers Summit ngayong araw ang sama-samang aksyon ng pamahalaan at iba pang kawani sa pagpapalakas ng sektor at pagsasanay para sa mga seafarer ng bansa.
Bahagi ng layunin ng pamahalaan na palakasin ang sektor ng agrikultura, kabilang na diyan ang maiangat ang kalidad ng buhay ng ating mga magsasaka at mapababa ang presyo ng agricultural commodities.
Kaya nakiisa tayo sa magandang adhikain ng South Cotabato para sa kanilang paglulunsad ng Consolidated Rice Production and Mechanization Program na ginanap ngayong araw.
Patuloy tayo sa ating mga hakbangin tungo sa kaunlaran ng ating bansa upang matamasa ng bawat Juan Dela Cruz ang buhay na may dignidad.
Nakasama natin sa Vin dโHonneur ang kapwa natin lingkod-bayan, maging ang mga miyembro ng diplomatic community at pribadong sektor, upang itoโy bigyang-diin. Inihayag din natin dito ang kahalagahan ng kooperasyon sa pandaigdigang komunidad upang makamit ang ating mga layunin.
We thank the UAE government for their timely support to the victims of the Mayon Volcano's unrest.
During yesterday's courtesy call, we expressed our appreciation for their invitation to join the Global Mangrove Alliance and participate in the 2023 United Nations Climate Change Conference. We also value their interest in collaborating on initiatives related to environmental protection and fostering economic growth.
We are actively exploring energy sources such as liquefied natural gas, hydropower, solar, and wind to bolster our energy sector.
During our meeting yesterday, we had the opportunity to discuss these endeavors with Chairman Tadashi Maeda of the Japan Bank for International Cooperation (JBIC), building upon our previous engagement in Tokyo. We are keen on JBIC's interest in the Maharlika Investment Fund, and we are eager to pursue further collaboration opportunities with them.
Pagpapadami ng bagong global partnerships at pamumuhunan ang inaasahan natin sa pagdaraos ng Forbes Asia Forum at Forbes Global CEO Conference sa bansa sa susunod na taon.
Nasasabik tayong makasama sa pulong na ito ang mga pangunahing negosyante, business leader at investor upang isulong ang mga prayoridad natin sa digitalisasyon, enerhiya, imprastraktura, at reporma sa pamahalaan.
Mas pinagiigting natin ang kakayahan ng ating mga MSME, magsasaka at mangingisda na gumamit ng mga digital payment app at pinadadami natin ang pang-ekonomiyang aktibidad sa pamamagitan ng Paleng-QR Ph Plus Initiative.
Tinalakay din natin kahapon kasama ang PSAC Digital Infrastructure Cluster ang kanilang mga rekomendasyon para sa patuloy na digitalisasyon sa bansa -- ang pagpasa ng National Cybersecurity Plan, pakikipagtulungan sa GoDigital Pilipinas at paggamit ng index rating system para sa internet connection sa ating mga lalawigan.
Hinihikayat natin ang lahat na i-download ang eGov Super App na isa sa ating mga hakbang tungo sa mas mabilis na pag-unlad, paghatid ng serbisyo-publiko at epektibong paglaban sa korupsyon.
Patuloy natin itong i-uupdate upang makapagbigay ng mas madaming serbisyo na tiyak na mapapakinabangan ng taumbayan.
Yesterday, we advocated for a bilateral Philippine-EU Free Trade Agreement at the gala dinner hosted by the EU-ASEAN Business Council and the European Chamber of Commerce in the Philippines. This will pave the way for sustainable growth, job creation, and expanded export opportunities.
We are grateful for the EU's support as we make the Philippines an attractive hub for trade and investments, and we look forward to a stronger partnership that benefits our regions.
Binabati natin at pinasasalamatan ang ating Hukbong Dagat para sa 125 na taong pagdepensa sa soberanya ng Pilipinas at pagpapanatili sa kapayapaan ng ating karagatan.
Walang pag-aatubili ninyong pinoprotektahan ang inyong kapwa Pilipino, kaya naman asahan ninyo ang buong suporta ng inyong pamahalaan, sa pagsulong ng inyong modernisasyon, pagpapabuti ng inyong kakayahan, at lalo na sa pagtaguyod ng inyong kapakanan.