Mga eksena mula sa ikaanim na araw ng impeachment trial ni Bise Presidente Sara Duterte sa Senado sa Pasay City nitong Miyerkoles, Hulyo 15, 2026.
Sa pagdinig, kinuwestiyon ni Senator-judge Alan Peter Cayetano ang timing ng pampublikong anunsyo ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng imbestigasyon nito sa 2019 Southeast Asian (SEA) Games, na aniya ay maaaring makaapekto sa integridad ng impeachment court. Nauna nang inanunsyo ni NBI Director Melvin Matibag ang pagbuo ng isang task force upang imbestigahan ang umano'y mga iregularidad sa 2019 SEA Games, kung saan nagsilbi si Cayetano bilang chairman ng Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC).
Kalaunan, nag-recess ang Senate impeachment court para sa isang caucus matapos dinggin ang oral arguments hinggil sa kahilingan ng House prosecution na mag-isyu ng subpoena para sa bank records ni Bise Presidente Duterte, gayundin sa mga rekord mula sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) at Bureau of Internal Revenue (BIR).
Nagpatali na nga sa Bilyonaryo News Channel si Raymond Gutierrez nang pumirma siya ng kontrata bilang anchor ng "Babbler" segment ng "Agenda" primetime newscast.
https://t.co/Vfq27KttC4
Iginiit ni House Prosecutor Lorenz Defensor na hindi mapipiga ang witness kung ang sinasabi nito ay pawang katotohanan lamang.
PANOORIN: https://t.co/AeipjLMQsW
Ayon kay Lead House Prosecutor Gerville Luistro, malakas na ang kaso at kumpleto na ang mga ebidensiyang iniharap ng prosekusyon kaugnay ng Article IV ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Dahil dito, sinabi ni Luistro na lilipat na ang impeachment court sa pagtalakay sa Article I, na may kaugnayan sa isyu ng confidential funds.
PANOORIN:https://t.co/gzYuqhbCWh
Inilipat na sa Quezon City Jail sa Payatas, Quezon City si Senador Rodante Marcoleta nitong Miyerkoles, ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG).
https://t.co/DYrPz7aduN
Ayon kay Lead House Prosecutor Gerville Luistro, hangad niyang matapos ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte bago mag-Christmas upang, aniya, maging masaya ang pagdiriwang ng Pasko ng bawat Pilipino.
PANOORIN:https://t.co/86zQvOm6jd
Pansamantalang inalis ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa clearing operations si Special Operations Group Head Gabriel Go matapos siyang masangkot sa panibagong reklamo kaugnay ng viral video ng panghuhuli sa isang gurong nagmomotorsiklo nang walang suot na helmet.
Ayon sa MMDA, isinasagawa na ang kaukulang imbestigasyon kaugnay ng insidente.
BASAHIN:
https://t.co/xOGZyg6NKE
Mukha umanong may kinatatakutan ang defense counsel kaya hinaharang nila ang hiling ng House prosecution panel na maipresinta ang bank at tax record ni Vice President Sara Duterte sa Senate impeachment trial.
BASAHIN:
https://t.co/L7rpXxVAN6
Kinuwestiyon ni Deputy Speaker at La Union Rep. Paolo Ortega V nitong Miyerkoles ang mahigpit na pagtutol ng defense team ni Vice President Sara Z. Duterte sa kahilingan ng prosekusyon sa record ng bangko, Anti-Money Laundering Council (AMLC), at Bureau of Internal Revenue (BIR).
https://t.co/rJYA3PNa76
Hinamon ng Malacañang si Senador Imee Marcos na ¬ilantad ang sinasabi nitong kasunduan ng gobyerno sa International Criminal Court (ICC), sa halip na basta magpanawagang isapubliko ito.
https://t.co/jKBLeHrnHQ
Kinumpirma ni National¬ Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Ma¬tibag na nagsasagawa na ng imbestigasyon ang ahensiya tungkol sa umano’y unliquidated funds at iregularidad sa procurement sa pagpapatayo ng sports complex para sa 2019 Southeast Asian (SEA) Games sa New Clark City.
https://t.co/HSR04VWoxN
InanunsIyo ng Bureau of Immigration (BI) na ibaba¬lik na sa detention facility ang mining executive na si Joseph Sy ngayong linggo matapos siyang ideklarang maaari nang ma-discharge ng kanyang mga doktor.
https://t.co/yEnfvaFaVS
Nagbago na raw ang Robin Padilla na kilala ng aktres na si Angel Locsin. Sobra na diumano ang pagtanaw nito ng utang na loob sa iisang tao at hindi na para sa bayan ang ipinaglalaban nito. Tikom rin daw ang bibig ni Binoe noong pinaghihinalaan ang aktres na miyembro ng rebeldeng NPA, kahit alam niyang hindi ito totoo.
https://t.co/ZBigPVWuP0
Dalawang indibidwal ang naghain na ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) sa unang araw ng paghahain para sa special election sa Cavite 4th District.
https://t.co/c6xJXCgRlc
"TAMA NA, KUYA. GISING NA. HINDI PA HULI ANG LAHAT."
Pinuna ng aktres na si Angel Locsin ang mga naging pahayag ni Senador Robin Padilla sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ayon sa aktres, hindi ito ang kilala niyang Robin Padilla.
Tinangkang sunugin ng isang 21-anyos na lalaki ang bahay ng veteran journalist na si Marlon Ramos sa Villa Caceres Subdivision, Sta. Rosa City, Laguna nitong Huwebes, Hulyo 16.
https://t.co/wPE9BvV6PZ
Personal na nag-inspeksyon si Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ariel Nepomuceno sa Paircargo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 upang suriin ang problema sa cargo congestion.
https://t.co/itFPjj3C8Y